Lebron James, bumida sa laban ng LA Lakers at Denver Nuggets

Lebron James, bumida sa laban ng LA Lakers at Denver Nuggets

- Todo ang suporta ng mga fans sa naging debut ni Lebron James sa Los Angeles Lakers

- Subalit hindi naman nagtagumpay ang Lakers sa naging laban nila ng Denver Nuggets

- Nagtapos ang laban ng Lakers at Nuggets na may score na 124-107

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsimula na nga ang pagbabago para sa NBA superstar na si Lebron James nang magpakitang gilas ito sa kanyang unang laro bilang member ng Los Angeles Lakers ngayong Lunes (PHL time).

Nalaman naman ng KAMI sa ABS-CBN Sports na bagama’t naging makasaysayan ang paglalaro ni Lebron sa Lakers ay nasawi naman ito sa laban nila ng Denver Nuggest na may score na 124-107.

Hindi naging matagumpay ang unang shot ni Lebron ngunit bawing bawi naman ito ng NBA All-Star player sa kanyang 26-foot three-point shot at ‘no-look’ bounce na pass sa teammate niyang si Brandon Ingram para mag-dunk ito.

“I find rhythm with anybody who's very energetic offensively, and that's a guy who moves without the ball,” sabi ni Lebron patukoy kay Ingram.

Tinapos ni Lebron ang preseason game ng may 9 points, 3 rebounds at 4 assists sa loob ng 15 minutes sa Valley View Casino sa San Diego. Samantala, si Ingram naman ay nagtamo ng 16 points at 17 points naman si JaVale McGee.

Ibinahagi rin ni Lebron ang kanyang experience base sa report ng ESPN, aniya, “It always feels different for me anytime you change uniforms.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Determinado rin naman ang Lakers na mas mag-ensayo pa para sa susunod na laban nila ng Nuggets sa Miyerkules (PHL time).

Magsisimula ang regular season ng Lakers sa October 19 (PHL time) sa Portland.

Naiulat naman ng KAMI noon na aminado si Lebron na malayo pa ang tatahakin nila ng Lakers bilang isang team at upang maabot ang kampeonato.

Si Lebron ay lumipat ng LA Lakers mula Cleveland Cavaliers matapos nito pumirma ng $153.3 million deal. Nais diumano ng Lakers maibalik ang dati nilang kampeonato sa National Basketball Association (NBA).

Panoorin ang highlights ng debut ni Lebron dito:

POPULAR: Read more news about Lebron James here!

Maaari bang kantahin ng mga Pilipino? Paano natin ito gagawin? Ang sagot ay ... Filipino karaoke right in the streets! Spoiler: ilan sa mga karaoke singers na hindi mo makalimutan! Kaya, maaari bang kantahin ng mga Pilipino? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae

Padyak drayber, suspek daw sa panggagahasa ng 5-anyos na babae
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel