Palasyo, nagbigay pahayag sa bagong “very good” rating ng Pangulo ayon sa SWS survey

Palasyo, nagbigay pahayag sa bagong “very good” rating ng Pangulo ayon sa SWS survey

- Bumalik na sa “very good” ang rating ni Pangulong Duterte base sa bagong SWS survey

- Base sa survey ay 70% ng mga Pilipino ang “satisfied” sa Pangulo

- Giit naman ng Palasyo ay walang epekto ang mga pagbatikos sa Presidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na ng pahayag ang Palasyo ukol sa “very good” rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS).

Nalaman ng KAMI na ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay ipinapakita lamang ng survey na suportado ng mga Pilipino si Pangulong Duterte.

Aniya, “Iyan po ang talagang tunay na batayan natin kung ano ba talaga ang husga ng taumbayan; bagama’t ang Presidente ay hindi namumuno dahil lamang sa survey. Kahit anong ipula nila kay Presidente ay bumabalik po at lumalabas na suportado siya ng taumbayan,”

Nagbigay rin ng advise si Roque sa mga patuloy ang batikos sa Presidente base sa report ng GMA News.

Kaya sabi naman ni Roque, “Sa akin po, kinakailangang humanap ng ibang isyu ang oposisyon bukod doon sa mga pananalita ni Presidente dahil nakikita natin na walang epekto iyong mga pinupula sa tiwala ng taumbayan kay Presidente,”

Noong Sabado naman ay inilabas ng SWS ang survey ukol sa improvement ng net satisfaction rating ni Pangulong Duterte ngayong third quarter ng taon.

Base sa bagong survey ay umangat sa 70% ang satisfied sa Pangulo na may +54 net satisfaction rating.

Noong June 2018 ay naitalang 65% ang satisfied kay Pangulong Duterte at ang net satisfaction rating na +45, ito ang naitalang pinakamababang “good” rating ng Presidente.

Palasyo, nagbigay pahayag sa bagong “very good” rating ng Pangulo ayon sa SWS survey

Photo from GMA News
Source: Facebook

Ang huling survey na ito ay isinagawa noong September 15 hanggang 23 sa 1,500 na mga Pilipino.

Naiulat rin ng KAMI noon na bumaba ang trust rating ng Pangulo sa mga Pilipino. Mula +65 ay bumaba ito ng +57 noong September. Ito ang pinakamababang naging rating ni Pangulong Duterte simula nang siya ay nanungkulan.

POPULAR: Read more news about President Rodrigo Duterte here!

Maaari bang kantahin ng mga Pilipino? Paano natin ito gagawin? Ang sagot ay ... Filipino karaoke right in the streets! Spoiler: ilan sa mga karaoke singers na hindi mo makalimutan! Kaya, maaari bang kantahin ng mga Pilipino? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel