Pokwang, napaluha sa kinwento ng kaibigang Sweet John Lapus sa Magandang Buhay

Pokwang, napaluha sa kinwento ng kaibigang Sweet John Lapus sa Magandang Buhay

- Nagtrending ang episode ng Magandang Buhay sa Kapamilya network noong bumisita si Pokwang at Sweet John Lapus

- Ito ay dahil ikinwento ng huli ang matatag at tunay na pagkakaibigan nila ni Pokwang sa mga nakalipas na panahon

- Binahagi ni Sweet kung paano siya tinulungan ni Pokwang sa panahon na wala siyang pera at ikinwento rin ng huli ang panahon na nandiyan si John Lapus noong nadiagnosed ang nanay niya ng isang sakit

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita ng Push.com, naging emosyonal at napaluha si Pokwang sa Magandang Buhay kung saan kasama niya ang kaibigang Sweet John Lapus na ininterview nina momshies Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.

Naispatan ng KAMI, na sa naturang guesting ay ikinwento ng dalawa ang kanilang relasyon bilagn magkaibigan.

Dito ay ibinahagi ni John Lapus kung paano siya tinulungan ng huli noong mga panahon na wala siyang ka pera pera.

Ani pa ni Sweet, na nagbenta siya ng ilang mga gamit online dahil naubusan daw siya ng pera noong panahon na iyon, at si Pokwang daw ang una-unang kaibigan na bumili at nagmessage sa kanya.

Dinala pa daw ito ni Sweet sa bahay ni Pokwang at nagulat lang siya na naghanda ang huli ng bonggang kainan at nagbigay pa ng cheque na ang halaga ay sobra pa sa halaga ng binili ng huli.

Dito rin naman binahagi ni Pokwang kung paano si Sweet na isang kaibigan.

Noong binahagi ni Sweet na na-diagnosed ang ina ni Pokwang ng Alzheimer's Disease, pero tinawag niya ang mga kaibigan ng salu-salo.

“Nagtawag siya (ng mga kaibigan) noong si Nanay Gloria ay na-diagnose ng kanyang sakit. Ganun si Pokwang e, ‘Hindi ko dapat ‘tong gawing negative na iiyak ako na malulungkot ako. Magluluto ako papupuntahin ko mga kaibigan ko.’ (So) lahat kami nagpunta."

Ayon rin kay Pokwang, isa rin si Sweet na nag-cocomfort sa kanya noon, at may sinabi ni Pokwang sa pagbahagi tungkol ng kanyang mga kaibigan.

“Tsaka sinabi niya (Sweet) ‘Nawala ka man sa isip niya, pero nandoon ka sa puso niya.’"

Kaya naman napaluha si Pokwang nang ibinahagi ang tungkol sa kanyang mga kaibigan.

“Hindi, nakakatuwa lang. Sa kabila ng may pinagdaanan ka, alam mong may kaibigan ka na masasandalan, siya (Sweet), si Pooh, si K (Brosas). Hindi man kami physically laging magkakasama, ramdam mo na isang text mo lang, may advice kang (matatanggap)."

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel