MRT-3 at LRT-2 may libreng sakay sa loob ng isang linggo para sa mga senior citizens

MRT-3 at LRT-2 may libreng sakay sa loob ng isang linggo para sa mga senior citizens

- Inanunsyo na ng MRT at LRT ang kanilang libreng sakay para sa mga senior citizens

- Dahil ito sa pag-gunita ng Elderly Filipino Week

- Magsisimula ngayong October 1 hanggang October 7 ang libreng sakay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May hatid na good news naman ang Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail transit (LRT) sa mga senior citizens sa bansa! Libreng sakay ang mga senior citizens sa MRT at LRT sa buong linggo, mula October 1 (Lunes) hanggang October 7 (Linggo), 2018.

Nalaman rin ng KAMI sa PTV News na dahil ito sa pag-gunita ng Elderly Filipino Week.

Ang libreng sakay sa MRT 3 ay magsisimula ng 5:30 a.m. hanggang 10:30 p.m., habang sa LRT 2 naman ay masisimula ng 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Kinakailangan lamang ipakita ng mga senior citizens ang kanilang senior citizen’s ID o kaya ano mang valid ID na may birthdate nila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakaraang naiulat na rin ng KAMI ang mga paraan upang mag-apply ng senior citizen’s ID at ang mga benepisyong matatanggap kasama nito.

Ilan sa mga benepisyo nito ay ang libreng sine tuwing Lunes, libreng parking lot sa mga mall sa Quezon City at 20% discount naman sa mga medisina, pamasahe, hotel at restaurant.

Maaari bang kantahin ng mga Pilipino? Paano natin ito gagawin? Ang sagot ay ... Filipino karaoke right in the streets! Spoiler: ilan sa mga karaoke singers na hindi mo makalimutan! Kaya, maaari bang kantahin ng mga Pilipino? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel