Tropical cyclone ‘Kong-rey’, isa ng bagyo at papasok na ng PAR

Tropical cyclone ‘Kong-rey’, isa ng bagyo at papasok na ng PAR

- Iniulat ng DZMM na mas lumakas na raw ang tropical cyclone na si ‘Kong-rey’

- Tatawagin raw ito bilang Queenie kapag pumasok na ng Philippine Area of Responsibility

- Hindi raw mag-la-landfall si Queenie sa anumang bahagi ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon sa balita ng PAGASA Weather Forecaster na si Ariel Rojas ay isa ng bagyo ngayon ang tropical cyclone na si ‘Kong-Rey’. Ito ay papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes ng hapon sa pagitan ng 1 p.m. hanggang 3.p.m.

Nalaman ng KAMI na namataang nasa 1,565 kilometers sa silangan ng Southern Luzon si Kong-Rey ng alas-3 ng madaling araw at may taglay na hangin itong 130 kilometers per hour at may pagbugso na umaabot naman ng 160 kph.

Tropical cyclone ‘Kong-rey’, isa ng bagyo at papasok na ng PAR

Photo from Philippine Star
Source: Facebook

Base rin sa report ng DZMM ay tatawaging ‘Queenie’ ang bagyo sa oras na pumasok ito ng PAR. Ang bagyong Queenie ay hindi raw mag-la-landfall sa ano mang bahagi ng bansa. Inaasahan din daw itong umalis ng PAR sa Biyernes.

Subalit ang buntot naman ng bagyo ay maaaring magdulot ng maulap at mahina hanggang katamtamang ulan, kulog at pagkidlat sa Bicol region at Eastern Visayas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi pa rin pwede pumalaot ang mga nasa Batanes, hilagang Ilocos Norte at Babuyan Islands dahil magiging maalon pa ang karagatan.

Patuloy pa rin naman ang pag-init sa bansa kasama na ang Metro Manila na posibleng umabot ng 33°C ngunit may bahagyang pag-ulan pa rin sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Ayon kay Rojas ay nasa transition period raw ang Pinas ngayon mula hanging habagat papuntang hanging amihan na magtatagal pa raw hanggang isa o dalawang linggo. Matapos nito ay mas magiging malamig na lalo na sa darating na Enero at Pebrero.

Ang bagyong Queenie ang pang-17 na bagyong pumasok sa PAR ngayong taon na ito. Inaasahan namang may apat hanggang anim pang bagyo ang papasok sa bansa bago matapos ang taon.

Maaari bang kantahin ng mga Pilipino? Paano natin ito gagawin? Ang sagot ay ... Filipino karaoke right in the streets! Spoiler: ilan sa mga karaoke singers na hindi mo makalimutan! Kaya, maaari bang kantahin ng mga Pilipino? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel