Kongresista, binatikos matapos mag-viral ang 'di pagsunod sa security ng NAIA

Kongresista, binatikos matapos mag-viral ang 'di pagsunod sa security ng NAIA

- Naging viral sa social media ang CCTV footage sa NAIA ni ACTS OFW Rep. John Bertiz

- Hindi kasi sinunod ni Bertiz ang security protocol na paghubad ng sapatos ng mga pasahero

- Pinagalitan pa ni Bertiz ang security personnel at hinablot ang ID nito nang sitahin siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng maraming batikos ang Kongresista at ACTS OFW party-list Representative na si John Bertiz nang maging viral sa social media ang CCTV footage mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 na diumano’y pinagalitan ni Bertiz at kinuha ang ID ng isang security personnel ng airport.

Nalaman ng KAMI sa video na ayaw diumano ni Bertiz hubarin ang kanyang sapatos bilang parte ng security protocol. Ipinakita ni Bertiz ang kanyang NAIA security ID sa personnel ngunit ipinapabalik siya sa screening nito. Kaya naman pinagalitan ni Bertiz ito at sabay hablot ang ID ng personnel.

Kita rin sa viral video si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na dumaan rin sa security check at hinubad ang sapatos nito upang sundin ang protocol.

Sa isang panayam sa ABS-CBN News, sabi ni Bertiz ay edited diumano ang video. Hindi raw ipinakita sa video na wala na siyang chance hubarin ang kanyang sapatos dahil sinita na raw niya ang airport staff.

Depensa rin ni Bertiz, may iba raw na escorted Chinese at Korean nationals na hindi sinita sa suot nilang slip-on shoes.

Ngunit pahayag naman ni Usec. Arturo Evangelista ng Office for Transportation Security ay lahat ng pasahero ay kailangan dumaan sa security check na iyon at ang tanging exemption lang dito ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Iniimbistigahan pa rin ng Department of Transportation ang insidente matapos maglabas ng public apology ni Bertiz.

Aniya, “I offer no excuse. I am sincerely sorry for my actions.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pero giit rin naman ni Bertiz na nakakabahala ang pagkalat ng CCTV footage nang walang pahintulot ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal. Sabi kasi ni Bertiz, kapag sila raw ay humihingi ng CCTV footage ng mga OFW na nawawalan ng pera sa airport o kaya naman para sa kaso ng human trafficking ay kailangan pa raw ng court clearance bago bigyan ng kopya ng footage.

Ayon kay Usec. Evangelista, may tatlong security conditions sa NAIA at sa pangalawang condition ay required ang mga pasahero na magtanggal ng kanilang mga sapatos upang ma-inspeksyon ito.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa viral video sa Facebook:

"This guy should have been arrested immediately for being a security risk to serve as an example that no one is above the law"

"He should been arrested for breach of security. It is the country's primary airport where security is strictly carried out... A lawmaker and a lawbreaker!!"

"These are the kind of people we should kick out from the govt asap. Can he not be charged for this? The evidence is very clear"

"His attitude and action only shows a kind of some politician enimical to the good reputation of our country. He should have been arrested right there at that moment."

Maaari bang kantahin ng mga Pilipino? Paano natin ito gagawin? Ang sagot ay ... Filipino karaoke right in the streets! Spoiler: ilan sa mga karaoke singers na hindi mo makalimutan! Kaya, maaari bang kantahin ng mga Pilipino? – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel