10 taong gulang na batang lalaki, aksidenteng nabaril ang kanyang kuya

10 taong gulang na batang lalaki, aksidenteng nabaril ang kanyang kuya

- Aksidenteng nabaril ng isang 10 taong gulang na lalaki ang kanyang kuya na dahilan ng pagkasawi nito

- Kumakain lang daw ang magkapatid nang magnyari ang di inaasahan

- Nasa pudar na ng DSWD ang bata at sumasailalim na ito sa counseling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di inaasahang mapapatay ng isang 10 taong gulang ang sariling kapatid.

Aksidenteng nabaril ng bata ang kanyang kuya na 14 na taong gulang sa Samal, Bataan.

Nalaman ng KAMI na kumakain lamang daw ang magkapatid nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat ng GMA news, di raw sinasadyang makalabit ng batang lalaki ang gatilyo ng baril at tinamaan ang kanyang kuya sa tagiliran.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad na binawian ng buhay ang biktima. Inaalam pa ng pulisya kung sino ay may-ari ng baril.

Nasa pangangalaga na ng Department of Social welfare and development ang bata at sasailalim raw ito sa counseling.

Samantala, nagulat na lamang daw ang lola ng dalawang bata sa pangyayari dahil sa ang alam lang daw niya ay kumakain lamang daw ang kanyang mga apo.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis sa nakakagulantang na krimen na ito.

Sa mahal ng sili ngayon, pwede mo na raw itong ipambayad? Shili Prank sa Pilipinas: Peppers sa halip ng pera! | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel