Manay Lolit may dagdag pasabog, may 'special friend na aktor' daw ang taong nanloko kay Kris Aquino

Manay Lolit may dagdag pasabog, may 'special friend na aktor' daw ang taong nanloko kay Kris Aquino

- Kamakailan lang ay napabalitang pinangalanan diumano ni Lolit Solis ang taong nanloko daw kay Kris

- Bukod sa balitang iyon, may dagdag pasabog si Manay sa IG niya na kesyo ang taong nanloko diumano kay Kris ay may special friend na actor

- At ang aktor daw na ito ang ultimate beneficiary at baka ang natukoy na tao ay fall guy lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umugong ang balitang naloko at nanakawan si Kris Aquino ng ilang milyon ng isang taong pinagkatiwalaan niya nang buong-buo.

Napabalita rin sa KAMI na tinukoy daw ni Lolit Solis ang nasabing tao.

Ayon pa sa mga bali-balita si Nicko Falcis daw ang taong sinasabi na nanloko kay Kris.

Pero di doon nagtatapos ang kuwento. Ayon sa post ni Lolit Solis, may nakapagkuwento sa kanya na ang natsitsismis na nanloko kay Kris ay may special actor friend daw.

Etong actor friend daw ay ang tunay na beneficiary at maaaring fall guy lang daw yung napabalitang nag-siphone ng pera.

Sabi nga ni Manay Lolit, kung totoong may isa pang involved at eto yung special friend, naku, crime of passion naman daw kasi nga dahil sa pag-ibig.

Eto ang buong pahayag ni Manay:

Isang nakakakilala sa taong nanloko kay Kris Aquino ang shocked na shocked Salve sa nangyari. According sa taong ito, iyon daw nanloko kay Kris ay isang learned person na galing sa isang edukadong pamilya na may kaya kaya ‘di siya nakapaniwala na nagawa ito ng taong iyon. At sabi nga nag-alok na ang lola at auntie na sila na magbayad ng kinuha na pera. May balita pa na may special friend daw na actor ang naturang tao kaya nagawa , at baka fall guy na lang ang pinagbintangan nagnakaw o nagtakbo ng pera. Masalimuot ang mga istoryang kumakalat at kung tutoo, isa na naman crime of passion, dahil sa pagmamahal kaya nangyari ang lahat. O pag-ibig lagi na lang ikaw pinagbibintangan, kawawa ka naman, basta ikaw pumasok, mahirap ng lumabas. Buti na lang gurang na ako ng ma in love kay Jo In-sung, kundi hitsura bilhin ko siya para mapunta sa akin hah hah ilusyon to the max. #instatalk #classiclolita #71naako ❤️"

Si Kris Aquino ay isang Filipina actress at TV host. Nagtayo siya ng kumpanyang naka-focus sa advertising and marketing. Naiulat sa KAMI na pupunta siya ng Singapore para magpagamot.

POPULAR: Read more about Kris Aquino

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel