Sana all! Guro namimigay ng pera sa mga estudyanteng may mataas na marka

Sana all! Guro namimigay ng pera sa mga estudyanteng may mataas na marka

- Nag-viral ang video tungkol sa guro na namimigay ng pera sa kanyang mga estudyante

- Ginagawa niya ito upang sipagin ang mga bata na mag-aral ng mabuti at laging makakuha ng mataas na marka

- Binibigyan niya ng one dollar ang bawat estudyante na may mataas na marka

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sino ba naman ang hindi gaganahang mag-aral kung ang kapalit ng mataas na marka ay pera?

Sa viral video na binahagi ng facebook page na Titos and Titas of Manila, makikitang masayang namimigay ng pera ang isang guro kapalit ng pagkakaroon ng mataas na marka ng kanyang mga estudyante.

Nalaman ng KAMI na ang guro ay si Lan Huong. One dollar ang kanyang binibigay sa kanyang estudyante na nagsumikap makakuha ng mataas na grado.

Makikita sa video kung gaano kakapal ang perang kanyang hinahanda na ipamigay sa kanyang estudyante. Mapapansin din ang haba ng pila ng kanyang estudyante na naging determinado dahil sa gantimpalang kapalit.

Natuwa ang ilang netizens sa ginawa ng guro dahil marahil malaking tulong sa ilang estudyante niya ang halaga na makukuha nila bilang premyo. Ngunit, ilang netizens din naman ang bumatikos sa ginagawang ito ng Vietnamese teacher. Dapat daw, mataas na grado lamang ang katumbas ng kasipagan ng isang bata.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Salute to that Thai teacher for such motivation,very rare that we see kind hearted teachers nowadays to the extent of giving her own money to inspire her students to study hard and be unthusiastic and happy as well"
"Everybody's happy and she's an inspiration on their studies. Very good and generous. kindhearted person."
"Im not sure about this...i dont think its good to teach these kids to study for money...the teacher need to teach the kids discipline and only by hard work through studying can they be rewarded with good grades..."
"I don't see anything wrong about it..kids need some motivation and need cash aside from their allowances."
"Saan kaya kumuha ng pera si Teacher kasi alam ko di naman gaanong kataasan ang sahod nila. Parang sa opinion ko kino corrupt natin ang mga bata at early age hindi mabuti, ang ma announce lang ng teacher na highest ako sa exams or mataas ang marks ko is more than enough reward to me!"

Samantala, nangangarap na lamang daw ang ilang estudyante na ganito rin ang gawin ng mga guro sa Pilipinas. Sa dami raw kasi ng problema ng mga guro sa sistema ng edukasyon sa bansa lalo na sa pasahod sa kanila, imposible raw na maging ganito ang mga maestra sa atin lalo na kung sila raw mismo ay kapus sa salapi.

Sa mahal ng sili, pwede na raw itong ipambayad kaysa sa pera? Shili Prank sa Pilipinas: Peppers sa halip ng pera! | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica