"Rugby boys", lakas loob daw na nangupit, nanakit, nandura at balak pang saksakin ang sekyu

"Rugby boys", lakas loob daw na nangupit, nanakit, nandura at balak pang saksakin ang sekyu

- Nakunan ng video kung gaano kalakas ang loob ng batang lalaki na manloob ng isang convenience store

- Pinagtulungan pa nila ang sekyu na halos nabugbog na, naduraan at muntik pang masaksak ng isa sa mga batang lalaki

- Dahil dito, maraming netizens ang nakumbinsi na tuluyan na ngang ibaba ang edad ng maaring makulong

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakapagngitngit talaga ang ginawa ng mga batang lalaki na lakas loob na nangupit sa isang convenience store.

Binahagi ng netizen na si Grace Ybanez ang video kung paano nakipagbuno ang isa sa apat na binatilyong lalaking nanloob sa convenience store.

Kitang kita na nagkakasakitan na ang dalawa dahil na rin sa pagmamatigas ng binatilyo.

Ang tatlong kasama naman ng bata ay nakaabang labang habang ang isa at tila may balak pang manaksak.

Nandura pa raw ang isa sa mga batang lalaki, habang ang ilan at patuloy sa panununtok. Malalakas talaga ang loob at nagbanta pa na babalik sila. Nang makalabas. pinagbabato pa raw ang mga sasakyang naka-park sa labas ng store.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa post, 'rugby boys' ang mga batang ito. Maging ang mga magulang daw ng mga batang ito ay walang magawa sa mga batang ito at aminadong mga perwisyo daw ang mga batang ito.

Dagdag pa ni Grace, matatapang gumawa ng ganitong krimen ang mga batang ito dahil alam nilang di naman sila makukulong.

Dahil ito, maraming netizens ang nakumbinsi na nararapat lamang na ibaba ang edad ng maaring makulong. Tinataya kasing nasa 12 hanggang 14 anyos ang mga kabataang ito na tila ba ay walang kinatatakutan.

Narito ang mga saloobin ng netizens matapos mapanood ang kalunos lunos na video:

"Bigyan nyu ng baril ang guard nyu jan. Ewan ko lang atapang pa mga bata jan."
"Yan ang batas na ginawa ni Senator Kiko, walang kwenta kaya malalakas ang loob"
"Dapat pwede na makulong yang mga bata na yan"
"Dapat kc may baril ang isang guard para hindi na gaganyan.....wag mo lang patayin.....takutin mo lang"
"Oh tpos anong ginawa nyo mga bobo kau nag video kau d nyo tinulungan ung guard pano kng may matalas un nasaksak ung guard"
"dapat isalvage na ung ganyang mga tao..kesa mapatay pa nila ang guard..kawawa naman ung pamilya ng guard kong ganun..."
"Wala naman pala pakialam mga magulang e, barilin na yan at itapon sa ilog"

Samantala, umabot na sa 1.6 million views ang naturang video sa loob lamang ng 12 na oras. Doble ingat na rin po sa atin dahil sa dumarami nang mga kaso na kinasasangkutan ng mga kabataan.

Sa sobrang mahal ng sili, maari na raw itong ipambayad bukod sa pera. Shili Prank sa Pilipinas: Peppers sa halip ng pera! | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel