Mas mapapabilis na daw ang proseso ng passport sa Pinas simula ngayong Oktubre, ayon sa DFA

Mas mapapabilis na daw ang proseso ng passport sa Pinas simula ngayong Oktubre, ayon sa DFA

-Dalawang linggo hanggang isang buwan na lamang ang proseso ng passport mula ngayong Oktubre

-Mula sa dalawa hanggang tatlong buwan dati, mas mapapaikli na nga ang paghihintay ng mga Pinoy

-Ito ang anunsyo ng Department of Foreign Affairs nitong Biyernes lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mula sa dating dalawa hanggang tatlong buwang proseso para makakuha ng passport, magiging dalawang linggo hanggang isang buwan na lamang ito.

“From the 9,500 passports that were being processed daily in May last year, we have increased our capacity to almost 20,000 passports a day. We endeavor to increase this number to 30,000 by the end of the year,”, ito ang naging pahayag ni Foreign Affairs Secretary, Allan Peter Cayetano.

Ayon sa report ng GMA News, ito daw ay dahil sa ipinatupad ng ahensya na electronic payment system para sa passport applicatio at pagbubukas ng 10,000 passport appointment slots tuwing 12 noon at 9 pm, Lunes hanggang Sabado, maliban na lamang kung holiday.

Foreign Affairs Sec. Allan Peter Cayetano, holding a Ph passport and told people that there is no 'syndicate at the DFA

Photo source: twitter
Source: Twitter

Magsisimula sa October 1, lahat ng nagbayad ng regular processing fee na P590 ay maaari nang makakuha ng passport pagkatapos ng 12 araw kumpara sa dati. At mga nagbayad naman ng express processing fee na P1,200 ay maaari nang makakuha sa loob ng anim na araw kumpara sa dating pitong araw.

“We made a promise to President [Rodrigo Duterte] and to our kababayan that we will work hard to give them fast, efficient, and secure passport services. Shortening the length of time our kababayan would have to wait before they could receive their passports is part of that promise,” ayon kay Sec. Cayetano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Para naman sa mga aplikante sa DFA Consular Offices sa labas ng Metro Manila, maaari na umanong makuha ang kanilang passport pagkatapos ng 12 working days sa halip na 20 para sa regular na proseso dati, at para naman sa mga pinabilis na proseso, maaaring nang makakuha pagkatapos ng pitong araw mula sa dating sampung araw.

Samantalang ang mga aplikante naman sa Philippine Embassies and Consulates General sa iba't-ibang bahagi ng mundo, sinusubujan pa umano ng DFA na mas mapabilis ang proseso dito na tumatagal ng dalawang buwan madalas.

“Providing better passport services is at the heart of our work at the DFA,” dagdag ni Cayetano.

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel