Lolo na barangay tanod, Libre sakay din sa kanyang jeep para makatulong

Lolo na barangay tanod, Libre sakay din sa kanyang jeep para makatulong

- Nag-viral ang post patungkol sa barangay tanod na bumibiyahe at nagpapasakay ng libre sa kanyang jeep

- Di alintana sa lolo ang maaring pagkalugi niya sa kanyang ginagawa, makatulong lamang sa kanyang kapwa

- Namangha ang karamihan ng netizens sa ginagawang ito ng tanod

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng netizen na si Dominique Bautista ang nakakataba ng puso niyang karanasan sa pagsakay sa jeep.

Pagsakay ni Dominique papasok sa paaralan, napansin niya na "Libre sakay" pala ang jeep na iyon. Bagaman at nakalagay na sa karatula, nag-abot pa rin ng bayad si Dominique.

Tinanggihan ito ng driver at muling pinaalam sa kanya na libre lamang ang sakay sa kanyang jeep. Nang nagpasalamat si Dominique, tinanong niya kung di raw ba nalulugi ang driver sa kanyang ginagawa. Di naman daw at kumikita naman daw siya bilang tanod.

Nalaman din ni Dominique na di lang ito isang beses ginawa ng driver. Makailang linggo na raw niya itong ginagawa.

Ang nakatutuwa pa rito, pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa ang motibo ni lolo kaya naman libre na ang sakay sa kanyang jeep.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, labis na humanga ang mga netizens kay lolo dahil bibihira na talaga sa panahon ngayon ang mga taong makakaisip pa ng ganitong gawain na makatutulong sa kanyang kapwa.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"please po bgyan po nio xia ng karangalan."

"I salute u lolo!!!!!"

"Saludo aq sau lolo sa gnawa neong simpleng bagai pro napakalaking tulong para sa karamihan....gud job and god blessed u"

"Willing lang sya...may mga taong kuntento bsta meron....si God anjan...yan sana lolo Hindi kayu abusuhin din....godbless u poh...."

"Sa billiong tao sa buong mundo nw lng me nlman ng my taong nag serve ng libre mag sakay sa jep samantalng mrmi myyaman at nag serve sa government hinde nagawa ang ginagwa ni lolo"

Sa mahal ng sili, pwede na raw itong pambayad sa halip na pera? Shili Prank sa Pilipinas: Peppers sa halip ng pera! | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel