Kris Aquino, bibiyahe papuntang Singapore upang magpagamot

Kris Aquino, bibiyahe papuntang Singapore upang magpagamot

- Lubhang ikinabahala ng tagasuporta ni Kris Aquino ang lumabas niyang litrato

- Ayon sa aktres, nangayayat umano siya dahil sa kinakaharap na problema

- Isang taong malapit sa kanya ang diumano'y nanloko at tumangay sa kanyang ipon para sa kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang araw matapos mabahala ang kanyang mga tagasuporta, Ibinahagi ni Kris Aquino na bibiyahe siya papuntang SIngapore upang magpagamot.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ng aktres na pinayuhan umano siya ng kanyang mga doktor na kailangan niyang sumailalim sa mga medical tests na hindi pa availabale ngayon sa bansa.

"She has been transparent in sharing with the public the health issues she has battled even as she currently takes maintenance medicine for hypertension, severe allergies and migraine," ito ay bahagi ng statement na kanyang ibinahagi sa IG post.

Matapos niyang sumailalim sa ilang tests nitong Setyembre ay kailangan daw niyang bumiyahe sa Singapore "to have the best knowledge and care to protect her health with all needed medication and treatment."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa caption ng nasbing post ay buong pusong pinasalamatan ni Kris ang lahat ng taong nanalangin para sa kanya at nagpaabot ng mensahe upang mapagaan ang kanyang nararamdaman.

"To all who have prayed for us, sending messages of love, comfort, encouragement, loyalty, and unwavering support- I thank you with all my heart," pagbabahagi niya.

Hindi din daw siya magbabahagi ng detalye ng kanyang kasalukuyang lagay ng kalusugan para proteksiyunan ang mga anak.

"Please allow me this small privacy to not share details about my current state of health to shield my sons from more stress. They have cried more tears than children should ever have to," dagdag pa nito.

Sa payo naman ng kanyang mga abugado ay naka turn off ang commenting ng nasabing post.

Matatandaang ibinahagi ni Kris ang umano'y pangloloko ng isang taong malapit sa kanya. Masakit umano para sa kanya ang isiping baka tuluyang mawala ang perang kanyang pinagpaguran ng ilang taon para sa kinabukasan ng kanyang dalawang anak.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ng former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

POPULAR: Read more about Kris Aquino here

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel