Maja Salvador, naglabas ng kanyang saloobin sa pagkakadawit niya bilang third party sa CarGel

Maja Salvador, naglabas ng kanyang saloobin sa pagkakadawit niya bilang third party sa CarGel

- Naglabas ng kanyang saloobin ang aktres na si Maja Salavador

- Ito ay may kaugnayan sa pagkakadawit niya sa umano'y hiwalayan ng CarGel

- Siya ang umano ay tinuturong 3rd party ng ilang netizens na kanyang pinalagan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging usap-usapan ang guesting nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino sa Gandang Gabi Vice na programa ni Vice Ganda.

Napag-usapan kasi ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay noong sila'y naging magkarelasyon. Nadawit ang pangalan ni Maja Salvador matapos ilahad ni Angelica na niligawan nga siya ni Carlo.

Gayunpaman, nilinaw niyang tinapos muna ng binata ang kanilang relasyon bago ligawan si Maja. Iba naman ang naging dating nito sa netizens dahil para sa iba sa kanila si Maja ang 3rd Party o naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

"Hindi siya nagloko. Pinutol niya yung sa akin bago siya nagsimula," ani Angelica.

Kasunod nito ay binigyan din ng ibang kulay ang umano'y post ni Maja kamakailan na ayon sa ibang netizen ay tila sagot sa pagkakadawit niya.

Sa isang panayam sa PEP, napag-alaman ng KAMI ang naging reaksiyon ni Maja sa isyung kinasasangkutan.

"Wala. Nakita niyo naman ang dress na na-sway kong ganun. Nasakto lang siya that Sunday.

"Kung gusto ng bashers sa kanila but not with Angelica and Carlo kasi okay ako sa kanila."

Hindi naman umano sinisisi ng aktres ang programa ni Vice.

"Kasi naba-bash ako ulit at si Angel naba-bash, kasi nga unang nagamit, third party.

"Ako naiintindihan ko sa teaser na yun ang nakaka-attract sa audience, e.

"Yun yung pang-attract pero, at least, in fairness kay Angelica, in-explain naman niya na nag-end at saka nanligaw.

Naintindihan din daw ni Maja kung bakit siya na lamang ang binanggit ni Angelica.

"Sabi ko, kaya ako na lang ang binanggit kasi magkaibigan kami ni Angelica at alam niya na hindi ako ma-issue na tao.

"Kahit banggitin ang name ko, wala lang naman sa akin kasi kaibigan ko naman siya."

Mariin ding sinabi ni Maja na hindi siya third party.

"Hindi ako third party kasi bago manligaw sa akin si Carlo, ang dami pang girls nun bago pa siya nanligaw sa akin."

Katwiran pa niya, kung totoong siya ang third party sa kanilang relasyon, malamang ay maapektuhan ang pagkakaibigan nila ng aktres.

"Saka kung ako ang third party, kilala natin si Angelica, di dapat dati pa lang inaaway-away niya ako. Very open siya, e. Nagsasalita naman yun palagi.

"Sabi ko nga, may mga interviews talaga na dire-diretso, hindi mo na maiisip ang sentence mo because of the question."

Nakiusap din si Maja na tigilan na ang bashing.

"Walang dapat i-bash kasi napakatagal na panahon na yun.

"In fairness sa fans ko at fans ni Angelica, may ibang fans na sinasabi, 'please, ipagtanggol mo yung self mo.'

"Ako, hindi naman ako fan nung nagti-tweet o nag-iingay sa social media.

"Kasi for sure, iba nila babasahin yun. Iba magre-react ang mga tao."

"Yung iba kasi baka iba nila basahin at inisip na Lily Cruz ko sinasabi."

Si Maja Salvador ay isang aktres, performer at product endorser. Bukod sa husay niya sa dance floor, pinatunayan ni Maja ang kanyang pagiging mahusay na artista nang magkaroon din siya ng sarili niyang album at nagrecord ng ilang original songs. Tumatak din sa mga manonood ang kanyang pagganap bilang si Lily Cruz sa top-rating afternoon series na Wild Flower.

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter

Do you think you can answer them correctly? These individuals from the Philippines have their answers!

Click “Play” and find out the answers to these tricky questions from the Tagalog speakers

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel