Lalaki, sapul sa cctv sa pangunguha raw ng 'panti'

Lalaki, sapul sa cctv sa pangunguha raw ng 'panti'

- Viral ngayon ang video ng lalaki na nahuling nangunguha ng 'panti' sa sampayan

- Sa kung anuman ang kanyang kadahilanan, pagnanakaw pa rin daw ang ginawa ng lalaki

- Habang ang ilan ay natawa na lamang sa ginawa ng lalaki, ang ilan naman ay nabahala dahil sa maaring sakit daw ito ng lalaki na kinakailangang bigyan ng lunas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang kakaibang trip ng isang magnanakaw kung saan hindi pera, cellphone o alahas ang kinukuha, kundi 'panti'.

Sapul sa cctv kung paano sumalisi ang isang lalaki sa isang bahay at kinuha ang panti sa sampayan.

Makikita pa sa video na pagkakuha ng lalaki sa sampayan ng mga panloob ng babae ay agad niya muna itong inamoy bago tuluyan nang umalis.

Kamakailan lamang, nag-viral din ang isang pangyayari sa Guimaras kung saan misteryosong nawawalan ng mga panti ang mga kababaihan sa isang sitio roon na nauna nang naibalita ng KAMI.

Marahil, maaring maiugnay ang pangyayaring ito sa pagnanakaw ng lalaki ng panti. Sabi ng ilan, malaki ang posibilidad na may kondisyon ang lalaki kung saan, dapat ipasuri dahil marahil may dalang pagnanasa ito sa may-ari ng panloob. Kung di maapulahan, maaring magdulot ito ng mas malalang krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umani ito ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens. Ang ilan ay natatawa na lamang sa ginawa ng lalaki habang ang ilan ay nababahala dahil sa isa pa rin itong uri ng pagnanakaw. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Langya aanhin mo b koya ung panti ng iba isasahog mo ba sa ulam mo lintek ka!!!"
"hala, anong gagawin niya dyan?"
"Nakakatakot, sakit na niya yan"
"Paglumala yan, baka magingrapist pa yan"
"Grabe, inamoy agad... katakot naman to."

Sabi nila, sadyang mga singers ang mga Pinoy. Totoo nga ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel