Netizens, inggit daw sa misis na binigyan ng kakaibang surpresa ng mister sa kanyang kaarawan

Netizens, inggit daw sa misis na binigyan ng kakaibang surpresa ng mister sa kanyang kaarawan

- Viral ang video ng birthday surprise na binahagi ni Vanessa Sison Tablizo

- Kakaiba ang surpresa sa kanya ng kanyang mister at di niya napigilang maiyak na lamang sa tuwa

- Di maiwasang mainggit daw ng mga netizens na nakakita ng video na umabot na sa mahigit na 225k views na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang nakakataba ng pusong post ng facebook user na si Vanessa Sison Tablizo kung saan sinorpresa siya ng kanyang pamilya partikular ng kanyang mister sa kanyang kaarawan.

Aakalaing isang simpleng pag-ihip ng candle lang sa cake at konting picture picture ang mgaganap, ngunit, laking gulat ni Vanessa na may gimik pa pala sa kanyang cake.

Nang hilahin niya ang "Happy birthday" greeting sa cake, nagulat siya na may laman itong ilang piraso na 20 pesos. Natuwa na noon si Vanessa dahil sinabi na pala niya noon na gusto niya ng ganoong klaseng cake para sa kanyang kaarawan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, nang hilahin pa rin niya ang surpresa sa cake, laking gulat niya lalo nang makita niya ang mga katagang "Will you marry me again?" sa dulo nito.

Wala nang ibang nasabi ang may kaarawan dahil sa naiyak na lamang ito sa labis na kagalakan. Makikita, yumakap at humalik ito sa kanyang mister sa sobrang tuwa.

Samantala, inggit na inggit ang mga netizens sa vieo na ito ng mag-asawa. Bukod kasi sa effort na pinakita ng mister para mapasaya ang misis sa kaarawan nito, mapapansin din ang tatag ng kanilang pagsasama dahil sa caption ng misis na siya ay 41 taong gulang na.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"sweet! dady wala bang ibang color? haahahaha ! nice!"

"Nakakaiyak bakit ganun"

"Ang sweet shet"

"Grabe naiyak din ako."

"ang sweet sana makatagpo din aq ng lalakeng ganyan"

"ang sweet naman kahit ang tatanda na"

"Naiyak ako sa kilig... "

"I wow nakaka iyak naman..."

Sabi nila, sadyang mga singers ang mga Pinoy. Totoo nga ba? Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel