Batang babae, buong tapang na nakipagbuno sa mga armadong magnanakaw

Batang babae, buong tapang na nakipagbuno sa mga armadong magnanakaw

- Viral ang video ng batang babaeng buong tapang na humabol sa mga maganakaw

- Imbis na matakot, nagawa pang habulin ng bata ang mga magnanakaw kahit pa siya ay nadapa at nasaktan na

- Dinala sa ospital ang bata dahil na nasaktan sa insidente ngunit inaasahang palabas na rin anumang oras ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha talaga ang ginawa ng isang batang babae na buong tapang na nakipagbuno sa mga armadong lalaki na mga magnanakaw pala.

Sa umpisa ng video na isang cctv footage na binahagi ng facebook user na si Bhing Minia, makikitang dumaan ang batang babae habang pumarada ang isang SUV.

Maya mya pa, dalawang lalaki ang dumaan at bigla na lamang sinugod ang lalaking kabababa lamang ng sasakyan sabay kuha ng bitbit nitong bag.

Makikita rin na dalawang lalaki pa na naka-motor ang mga kasama pala ng magnanakaw at nag-back up pa sa mga kasama nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito na umeksena ang batang babae na imbis na matakot at tumakbo palayo ay sumugod pa sa isa sa mga lalaki at nahablot ang bag. Ngunit dahil sa napadapa ang bata sa pagkakahablot, nakuha muli ang bag ngunit mapapansing may kumalat na mula rito.

Nalaman ng KAMI na di rito nagtatapos ang katapangan ng bata. Mula sa kanyang pagkakadapa, bumangon pa ito at hinabol pa rin ang mga lalaki. Dito bahagyang nadaplisan na siya ng motor sa mabilis na pagharurot ng mga lalaki sa pagtakas.

Ayon kay Bhing na tiya pala ng bata, naganap ang insidente bandang 4:50 ng hapon noong Huwebes, Setyembre 27 sa isang family compound sa General Trias, Cavite.

Sinugod din ang matapang na babae sa ospital dahil sa nasaktan pa rin ito sa insidente. Inaasahan makakauwi na ito anumang oras ngayon.

Pahayag pa ni Bhing sa kanyang post, mabuti na lamang at pera lang ang nakuha sa kanilang pamilya at wala naman sa kanila ang nasaktan.

Alam mo, may isang estereotipo na ang mga Pilipino ay mga kamangha-manghang mang-aawit. Ngunit walang naka-check na dati!

Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel