Sako-sakong bigas, nadiskubre sa isang warehouse sa Binondo

Sako-sakong bigas, nadiskubre sa isang warehouse sa Binondo

-Sako-sakong bigas ang nadiskubreng nakatago sa isang warehouse sa Binondo

-Sa kabila ng mainit na talakayan tungkol sa diumano'y kakulangan sa bigas sa Pilipinas, uminit ang ulo ng ilang netizens sa balitang ito

-Nauna nang idiniin ni Sec. Emmanuel Piñol na walang shortage sa bigas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa mainit na isyu ng kakulangan umano ng bigas sa bansa, nadiskubre ang isang warehouse na naglalaman ng sako-sakong bigas na nagkakahalaga ng P300 million!

Sa isang warehouse nga sa Binondo natagpuan ng Pulisya ang ang umano'y nakaimbak lamang na napakaraming bigas, na pag-aari ng isang 'di pa pinangalanang negosyante.

"Meron daw rice shortage pero eto ang dami-dami namang bigas. Kulay dilaw pa!" ito ang pahayag ni Democratic party of the Philippines executive director Greco Belgica.

Una nang idiniin ng Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na wala umanong shortage sa bigas.

Ayon pa rito, kasalukuyan nang umaani ang ilang magsasaka para masolusyunan ang mabilis na paglobo ng presyo ng bigas sa merkado.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang facebook video, sinabi ni Belgica na ang rice hoarding ang siyang dahilan kung bakit nagkukulang ang supply ng bigas na isa umanong pagsasabotahe sa administrasyon.

Mga netizens, uminit naman ang ulo dahil sa balitang ito.

Netizen: "Mga gahaman yang mga nigosyanting yan na nagtatago ng bigas.. kaya hindi na tayo umasenso dahil sa mga katulad nila.. dapat pag ganyan at napatunayan kulong agad walang piensa para madala."

Netizen: "Sa totoo lang kung sino pang sobrang yaman di ko nilalahat pero karamihan sila pa gahaman di pa kuntento sa yaman nila."

Netizen: "Ipakitamo ang logo ng companya mag interview ka ng tao dyn....ano address nyan cno me ari ng storage"

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Poe, and Robredo finally answer speculations about Presidential bid in 2022

Duterte, Robredo, and Poe answer speculations about Presidential bid in 2022
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel