Lalaki, sinita ng isang motorista dahil sa isang nakakatawang dahilan

Lalaki, sinita ng isang motorista dahil sa isang nakakatawang dahilan

-Isang lalaking angkas sa isang single na motor ang sinita ng isang motorista na nakakita sa kanyang maling pagsusuot ng helmet

-Ang lalaki kasi, pabaligtad na naisuot ang helmet nito

-Nang ma-realize nito ang nagawa ay agad naman nitong inayos ang pagkakasuot ng helmet niya

-At nang mapansin na pinagtitinginan na siya ng ibang motorista, maging ang lalaking may angkas sa kanya, wala na itong nagawa kundi ang tumawa na lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaki ang agaw-eksena sa isang kalye sa Brazil. Ito'y matapos na masita siya ng isang motorista din sa kanyang maling pagsusuot ng helmet.

Ang lalaki kasi, pabaligtad na naisuot ang kanyang helmet!

Agad naman nitong inayos ang pagkakasuot ng helmet niya, lalo pa at maging anag lalaking may angkas sa kanya ay pinagtawanan pa siya.

At mukhang napansin ng lalaki na pinagtitinginan na rin siya ng ilang motorista sa lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa Pilipinas, mahigpit ang paalala ng mga awtoridad sa pagsusuot ng mga protective gear para sa mga motoristang ang gamit ay single na motor. Partikular ang helmet dahil ito ay proteksyon sa ulo sakali mang masangkot ang rider sa isang aksidente.

Kaya naman importanteng tama ang pagkakasuot nito dahil isa ito sa maaaring magligtas sa buhay ng isang rider sa oras ng sakuna.

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Fishball vendor, proud na makapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel