Pinay OFW na pinagkaitan daw ng pagmamahal ng magulang, sinuwerte naman sa love life

Pinay OFW na pinagkaitan daw ng pagmamahal ng magulang, sinuwerte naman sa love life

- Binahagi ni Maricon Laurente ang mga kakaiba niyang karanasan mula pa pagkabata

- Masasabing naging mailap ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang dahilan upang siya ay matutong tumayo sa sariling paa

- Sinuwerte naman daw sa love life si Maricon na nakatagpo ng lalaking magpaparamdam sa kanya kung paano tunay na mahalin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa si Maricon Laurente sa mga Pinay OFW na may mga kakaibang karanasan sa buhay na siyang nag-udyok sa kanya upang mamuhay sa sarili niyang diskarte.

Bata pa lamang daw si Maricon, ramdam na raw niyang di siya gaanong mahalaga sa kanyang mga magulang.

Naalala pa niya nang minsang may gusto siyang ipabili sa ina, labis na nasaktan si Maricon nang sabihin nitong kung may nais siyang bilhin ay magtrabaho siya.

Kaya naman pagtungtong niya ng Grade 5, napilitan na siyang mamasukan. Ito na marahil simula ng pagbabanat ng buto ni Maricon para sa kanyang sarili.

Di lamang ito ang mapait na karanasang sinapit ni Maricon. Paiba-iba siya ng pinapasukan, at aminado siyang di naging madali ang pag-a-abroad sa kanya.

Ngunit, nito llamang nakaraang taon, di niya inaaasahn na may darating na magbibigay saya at ngiti sa kanyang puso. Masasabing, sa kabila ng mga matitinding pinagdaanan ni Maricon, sapat na raw na natagpuana na niya ang kanyang Mr. Right.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng kwento ni maricon na biinahagi sa KAMI.

God gave me you, story of OFW, Maricon Laurente (inspiring story)

Maricon Laurente, 35yrs old

Panganay aq sa anim na mgkakapatid..pero sa lahat ng magkakaptid mainit dugo ng magulang ko sakin, bata plang aq laging aq ang Mali hanggang isang araw may kailanģan akung bilhin..sagot ng nanay ko mgtrabho ka para my pera ka, sa idad na grade five namasukan aq bilang katulong...Aral at trabaho..hanggang first year high school. .at my kumuha skin mamasukan sa manila pumayag aq ..pra mktulong sa mgulang ko para khit papano matutunan nila akung mhalin. ..13year's old ako ng pumunta aq ng manila.. pero hinanap aq ng tatay ko mag aral daw aq.. pero dahil nsubukan ko na mgtrabaho humawak ng PERA kaya sbi ko wag na ....lahat ng sahod ko pinadadala ko sa mga kapatid ko dahil sa mga panahon na yun nsa bulakan ngtatrabaho tatay ko, natiis ko lahat ng hirap bata pa lng aq skin pinagagawa ng amo ko mga gawain nia sa paaralan dahil guro. Gayon pa man ok Lang dagdag kaalaman , palipat lipat aq ng amo..my among manyakis..may among patutulugin ka ng dalawang oras pero lahat tiniis ko ..Nd aq nakapag barkada..dhil sa isip ko kapag mgkaroon ng barkda iiba ung mga mangyayari sa buhay ko...umabot aq ng 20s katulong paren aq..may isang pmilyang my pangalan..lahat tiniis ko..para sa mgulang mga kapatid mahalin Lang nila aq. Sa idad na 25 naisip ko umuwi ng bulakan Kung saan Doon na Kami nakatira at lahat kung kapatid may asawa na.. ngkaroon kami ng alitan ng bunso kung kapatid..pero cyempre bunso..UN kinampihan sumagot nanay ko sana namatay kana nong ipinagbubuntis kita.. lahat ng praan ginawa ko pero ewan bakit nd ka mawala. .alam nio ung nramdamn ko.. parang bumagsak ang mundo sakin..ang sakit iyak Lang ginawa ko at sumagot nang nd maganda..Nd aq magawang saktan ng nnay ko ung gigil nya grabe. Pero ok Lang nd nwala respto at pagmamahal ko sa knila nd aq ngrebelde trabaho Lang ng trabaho hanggang sa idad na 28 naisipan kung mg saudi… pinalad naman.at nakadalawang balik nako sa idad na 35 naibigay ko bahay nila, alahas konting luho kita wala ako pansarili. .at sa idad na 35 dumating c Mr. ryt at matutupad ung dream ng nnay ko na sana isa sa mga anak nia (nd aq ksli )Ay maikasal sa pari....AT ngaun ko lang nalaman Mahal na Mahal aq ng magulang ko dahil kada pundar ko iniingatan nila dahil para daw sakin UN balang araw....

God is Good...

Pinay OFW na pinagkaitan daw ng pagmamahal ng magulang, sinuwerte naman sa love life

Mahirap makipag sapalaran sa abroad. .2008 unang punta ko dto dhil sa atat nd ko napansin na illegal recruiter na pala aq...WALANG papeles..napakahirap. .lima kaming magkakasama lahat WALANG papeles tanging conract at ticket lng .. yung apat na kasamahan ko ex abroad pero baguhan dto sa Saudi. Nd ko lang alam bakit aq ang napuntirya.. lahat ng kasama ko nsa waiting area na aq pabalik balik sa pagpila..na question aq bakit WALANG papeles.. kaya labas pasok aq sa loob ng airport at pra puntahan ang isang staff ng agency namin.sinagot aq.. bahala daw aq sa buhay ko tanga tanga ko.. kasi sinabi na bakit wala akung papeles..pero bumalik ulit aq sa loob ngbabaka sakali makapunta aq sa opis ng poea nghingi aq ng form etc… Doon ko nalaman illegal nga aq labas aq agad pila ulit ngbabaka sakali, sabay dasal sa pinilahan ko para I check in ang luggage nakita nym ko kaya Punta nko sa isang booth pra magbayad ng 500pesos ..Nd ko naisip may isa pang security akung dadaanan hinanap paper's ko ...at pinatabi aq para ma imbistiga ika nga.. sabi nd aq makakaalis. Daming dasal ko.. lahat ng Santo tinawag ko.. buti may isang pasahero nagtanong sa security ginawa ko umalis at nagsuot ng jacket sabay dasal at inilabas ko panyo ng elshaddai Lord kung may lugar aq sa Saudi dalhin nio aq.. kapag wala ilabas nio aq. nakarating aq kung saan andon mga kasamahan ko nagtaka bakit angtagal ko..nakaupo aq at nakayuko dahil my mga security na nghahanap nd ko alam kung ako basta may kausap sa radyo. Nakarating na Kami ng Saudi. .sinundo aq ng amo ko at nadatnan kung maraming pinay, masaya, aq Lang dalaga at matanda ngpaconvert aq ...pero nagkamali aq sa ginawa ko dahil ung anak ng amo ko gustong gsto aq ayaw Lang ng ina alam nila dalaga aq, hanggang isang araw pumunta ung lalaki at aq Lang Tao wala mga mgulang nya..ayun sinamantala na Kami Lang ng offer ng pera 5000riyal basta magpagamit aq sa kanya, Nd aq pumayag sinagot ko cya trabaho pinunta ko dito nd panandaliang PERA. Ayun sabi sir uwi kana may asawa ka Doon ka nalang pls..naawa sakin ayun nakiusap wag ko sasabihin dhil sa takot ko sinabi ko sa ate nya at close ko naman laht, kaya simula noon nd cya nakakalapit sakin..pinalitan lahat ng kandado sa bahay, natutuwa aq dahil swerte ko sa amo.. kya binalikan ko cla.. sa ngaun dito aq sa anak ng dati kung amo straight apat na taon. Tiis at tyaga.. at kung ano ang sadya natin dto sa abroad UN ang gawin natin wag tau masisilaw sa pera dahil UN ang ikapapahamak natin..laging tatandaan… KAYBUTI ng Panginoon.

LDR..

Last year naging friend ko sa fb ang klaymet ko sa elementary, pareho kaming nasa abroad, itong klasmeyt ko parang naiinis na rin cguro dahil cya Lang kausap ko palagi.. lahat cnasabi ko sa kanya.. kaya inireto aq sa pinsan nya binata sabi ko wag.. baka masira pagkakaibagan natin, sabi naman nd yan, binigay nya fb nym ko at picture at ganun din binigay sakin picture ng pinsan nya at iniadd aq accept ko naman kasi kilala ko.. nasa isang paaralan Lang kami nag aaral at klasmyt nya mga pinsan ko, d ayun chat chat , trabaho nya isang driver ng uv express, Nd nya aq kilala kasi iba nym ko sa fb.. at tumaba aq.. alam nyang may kalukuhan aq sa fb.. pero nd cya bumitaw sa panliligaw, sa loob ng 3 na araw nag I LOVE YOU na....medyo pumitik sa puso ko isip ko hmmmm…. manluluko pero dahil nasa kanya hinahanap ko sa isang lalaki, binata at mabait ..may trabaho..sinagot ko cya.. Nd nako ng dalawang isip (alam ko cya bigay ni Lord ) after a days nagsabi pakakasalan kita...sa cmbhan dahil mahal kita..aq nmn nabigla baka bola diba, kya nong kami na... Plano ko itago relasyon namin pero ayaw nya, ginawa nyang profile pictures namin na (UN ang gusto ko talaga sa lalaki) Doon ko nalaman seryuso ang mokong, mga kamag anak kaibigan nagtaka at nka chamba daw ung pinsan nila, unti unti akung naniwala hanggang pumunta silang mgkakapatid sa amin para harapin magulang ko at namanhikan na rin..( namanhikan sila kahit wala ako andito sa saudi) so masaya kasi legal na kaming mg jowanagplano na kmi kung kailan ang kasal hanggang isang gabi ngkalabuan or aq Lang cgro ang nd nkaintindi dahil mainitin talaga ulo ko.. napikon aq kya ngbunganga aq sa kanya lahat ng masasakit at nakipag cool off aq cnabi ko sa magulang ko ipinaliwang ko lahat ..pati sa ninong at ninang nmin .pero bkit mas nasasaktan aq isang linggo nd cya nagttx, Nd binabasa ang messages sa messenger ng oonline nmn, nagpalit ng profile itim.. grabing sakit ung nangyari sakin panay iyak ko alam kung mali aq. Nd ko cya pinakinggan sa paliwang nya..na alam ko naman ugali nya, pang walong araw may ngsent sakin baby Jesus dat time panay iyak ko, sabi ko Lord kung talagang Mahal nya aq mgtxt cya pero kung hnd, hnd nya aq Mahal, pero ung nararamdaman ko sa sobrang sakit, block ko sya sa fb, bago ko ginawa ngmessge aq na Mahal na mhal ko cya at sorry (tuluan luha ko)ingat palagi iloveyou bee, ito ang huling message ko sau nd rin kita kukulitin sa tx kasi binura ko na no. mo sabay blocked.

At log out nko..

Ilang minutes biglng tumunog cp roaming cyaung kaba ko at tuwa naghalo sabay iyak...ngpapaliwang cya..bngay nya daw ung gusto no na cool off kahit masakit sa kanya.tiniis nya lahat kung ano daw nararamdaman ko nararamdam nya, kahit nd daw aq mg message nakaplano na sya na immesage nya aq dahil mis na nya aq, isang tanong Lang gusto nya malaman UN ay kung Mahal ko pa ba cya.. dahil Mahal ko cya maitatanggi ko ba. Mahirap dayain ang nararamdaman. Mahirap mgsinungaling. Tanggap ko nagkamali aq..UN ang kailangan baguhin ko alang Lang sa relasyon namin at ok na ren lahat kinausap ko magulng ko at tinawagan nya maraming natuwa dahil nalampasan namin ang isa pang pagsubok ng isang LDR

Sabi nga nila sa isang relasyon dapat nasa center si God..

God gave me you...

Alam mo, may isang estereotipo na ang mga Pilipino ay mga kamangha-manghang mang-aawit. Ngunit walang naka-check na dati! Maaari bang kumanta ang mga Pilipino? ️ Alamin Natin! - Philippines Street Karaoke | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica