Sa likod ng mga rehas; huling sulyap ng ama sa pumanaw na anak

Sa likod ng mga rehas; huling sulyap ng ama sa pumanaw na anak

-Isang nakakadurog na sandali ang nasaksihan sa labas ng isang piitan sa Navotas, kung saan isang lalaking nakakulong ang hanggang sulyap na lamang ang nagawa para sa pumanaw na anak

-Kitang-kita sa video kung paanong dinala ng ilang kaanak ng lalaki ang labi ng anak nito sa isang kabaong upang sa huli ay makita pa nito ang anak

-Hagulgol na lamang ang nagawa ng lalaki ng mabuksan ang kabaong kung nasaan ang kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang amang nasa piitan ang napahagulgol na lamang ng makita ang anak na pumanaw nmula sa likod ng malamig na mga rehas.

Isang video ang in-upload ni Louren Garcia Vicente ang talaga namang nakadurog sa puso ng mga netizens.

Sa video makikita ang ilan sa mga kaanak ng lalaki habang buhat-buhat ang kabaong kung nasaan ang labi ng kanyang anak na babae.

Hanggang sa labas lamang nadala ang labi, sa ilalim ng sikat ng araw, sa likod ng batong pader at sa maliit na siwang na may malamig na rehas.

Hanggang doon na lamang naihatid ng isang ama ang kanyang anak. Tanging hagulgol at pagnangis ang nagawa nito ng makita sa huling pagkakataon ang kanyang supling.

Sa likod ng mga rehas; huling sulyap ng ama sa pumanaw na anak

Photo source: Louren Garcia Vicente
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gaano nga ba ito kasakit para sa isang magulang? Hindi nga ba't masakit ang mawalan ng mahal sa buhay, mas lalo na kung ito'y iyong anak na inalagaan? At sa ganitong paraan pa na nakapagpaalam ang isang ama sa kanyang anak?

Marami ang nagtatanong, hindi nga yata pantay ang trato sa mayaman at mahirap sa ating bansa. Masusukat nga ba nito ang pagiging magulang ng isang mamamayan?

Samantala, hindi naman malinaw ang dahilan ng pagkakakulong ng lalaki at ang dahilan ng pagkasawi ng anak nito.

Sa ngayon, umabot na sa ilang daang libong views ang video na ito.

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel