Isang Dean, nanawagan sa mga kritiko ni Pangulong Duterte

Isang Dean, nanawagan sa mga kritiko ni Pangulong Duterte

-Isang Dean mula sa isang kolehiyo, nanawagan sa mga kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte

-Ayon sa kanyang liham, inisa-isa nito ang ilan sa mga problemang nalutas daw ng administrasyon

-Dapat daw ay respetuhin na lamang ng sambayanan maging ng oposisyon ang naluklok na Pangulo at 'wag ng magsayang ng oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mula sa Perpetual Help College of Manila, Business Administration Dean Joeys Gold Yong, nagpahayag ng kanyang saloobin sa mga kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa report ng Pinoy Trend, kung saan unang nalaman ng KAMI ang balitang ito, mukhang hindi umano nirerespeto ng oposisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na iniluklok ng nakararaming Pilipino, ayon sa liham ni Yong.

Ayon pa dito, sa halip na mag-organisa ito ng mga rally, dapat raw ay magtulungan na lamang para sa mas ikaaayos ng bayan.

Narito ang kanyang buong liham,

Mahilig kayo magbilang…gusto ko din magbilang abot ng maliit kong nalalaman sa nangyayari sa aking kapaligiran.

Ito ba ang Ilan sa mga ipinaglalaban natin?

1. Ibalik ang tanim bala

2. Ibalik ang Airport taxi

3. Ibalik sa droga yung 700,000!

4. Ibalik yung 17,000 na naarestong pushers!

5. Singilin ulit ang mga Magsasaka para sa tubig!

6. Pabayaan ang Abu Sayaf

7. Ibalik ang kita ng mga Customs!

8. Ibalik ang shabu!

9. Ibalik ang panggagahasa at pag patay ng mga bata gawa ng mga lulong sa bawal na gamot! (Ilang pursiento ba Ng ganitong krimen ang nabawas?)

10. Say no to increased infrastructure expenses! (Hayaang walang build build build, train tax etc – ngunit gusto ng solusyon para umangat ang ekonomiya)

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

11. Ibalik ang mga OFW na nakauwi!

(Hayaang na lamang ang mga binansagang bayani Ng bayan – bayani sila kaya hayaan na natin sila kahit maging masahol pa sa hayop ang buhay nila sa ibang bansa)*

12. Ibalik ang magdamag na kantahan ng Karaoke! (Tambay sa kanto-inuman pa more)

13. Ibalik ang takot sa daan!

14. Ibalik ang masasamang pulis!

15. Ibalik ang pag mimina na nakakasama sa paligid!

16. Ibalik ang pag sekreto sa lahat ng gawain ng executive!

17. Ibalik ang masamang serbisyo ng pamahalaan! (Proseso ng mga papeles inaabot ng ilang araw, balikan mo nalang iha)

18. Ibalik ang mini Las Vegas Sa Bilibid!

19. Tanggalin ang 911

20. Tanggalin ang Hotline 8888 para sa kurapsyon!

Ang Makabagong Filipino na aral at nag iisip ay hindi kailangang may kinikilingang mga grupo o individual, Hindi din kailangan magsiraan at magsigawan sa mga kalye at entablado upang makita ng mundo na ang liit nanga ng bansa natin, nag-iiringan pa tayo.

Walang almusal ang pamilya sa isang Banda. Walang pambili ng gamot para kay lola. Walang … marami pang iba. Andaming maaaring iangat – edukasyon, trabaho, negosyo, sining, kultura, dangal atbp – wag na maghilahan… sayang ang oras, salapi at dunong sa ganitong paraan.

Sino man ang ating pangulo, dilaw, pula o Kung May asul pa… ito ay igagalang at susuportahan.

Kapag nanalo kayo sa susunod na halalan, susuportahan namin at igagalang din ang inyong posisyon.

Nagmamahal

Filipino para sa Pilipinas

*20 item list mentioned here are taken from the originally 22 item list written by: Dr. Dennis Tan (2017)

*modified and re-written for a different approach by: Dr. Joeys Gold Yong (2018)

POPULAR: Read more news about Pres. Rodrigo Duterte here!

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children

5 Filipino celebrity couples and their adopted children
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel