SK chairman ng Tondo na tinamad pumasok, utak daw ng bomb scare sa National Teachers' College

SK chairman ng Tondo na tinamad pumasok, utak daw ng bomb scare sa National Teachers' College

- Arestado ang isang SK chairman sa Tondo na utak umano sa bomb scare sa National Teachers' College

- Nagsimula lamang daw sa biruan ang pagpapakalat ng text, dahil tinatamad lamang daw silang pumasok

- Nahaharap sa pagmumultang ₱40,000 hanggang sa posibilidad ng pagkakakulong ang estudyanteng nakilalang si Leslie Ann Bolo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inaresto ang isang SK Chariman ng tondo na nakilalang si Leslie Ann Bolo dahil umano sa pangangalat ng text na 'bomb scare' sa kanilang paaralan.

Ayon sa GMA news, tinatamad lamang daw pumasok sina Leslie at ang kanyang mga kaibigan at balak nilang umabsent. Hanggang sa nauwi sa pagkakalat ng bomb scare sa pamamagitan ng text.

"It started dun sa joke among sa mga kaibigan nila... 'Yung motive na ano is tinatamad silang pumasok,"pahayag ni Manila Police District director Chief Superintendent Rolando Anduyan.

Nalaman ng KAMI na na-trace ang text sa cellphone mismo ni Leslie. Katunayan, may witness na makapagpapatunay na numero ng ng SK chairman ang pinagmulan ng text.

SK chairman ng Tondo na tinamad pumasok, utak daw ng bomb scare sa National Teachers' College

Nahaharap sa pagmumulta ng ₱40,000 si Leslie at posibleng pagkakakulong ng hanggang limang taon.

Isa lamang ang NTC sa mga binulabog ng bomb threat kamakailan. Ang ilan pa sa mga napilitang magsuspinde ng klase dahil sa bomb scare ay ang University of Sto. Tomas at Mapus Institute of Technology. na nauna nang naiulat ng KAMI.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel