Dalawang estudyante sa viral video ng pagtulong sa matandang tumatawid, kinilala

Dalawang estudyante sa viral video ng pagtulong sa matandang tumatawid, kinilala

- Nag-viral ang video ng dalawang estudyante na tumulong sa matanda sa pagtawid

- Kitang kita na video na hirap ang matanda sa pagtawid kaya naman tinulungan na ito ng dalawang binatilyo

- Hinangaan sina Matthew Oro at Marc Arthur Nocomora dahil sa malasakit sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral kamakailan ang video ng dalawang binatilyo na nagmalasakit tumulong sa isang lolo sa pagtawid.

Hinangaan ng mga netizens ang dalawa na kinilalang sina Matthew Oro at Marc Arthur Nocomora ta kapwa estudyante Bicol University College of Agriculture and Forestry (BUCAF).

Nalaman ng KAMI na naantig ang nag-upload ng video na si Ralph Odiaman kaya naman niya ito binahagi.

NAtuwa raw siyang panoorin ang kanyang nakunang pagmamalasakit ng dalawang estudyante sa matandang di naman nila kilala.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Sobrang ganda lang kasi sa feeling na makakita ng ganun na pangyayari. I think it's worth sharing sa lahat na meron pa palang ganun na mga tao na handang tumulong sa iba,"kwento ni Ralph.

Samantala, nakilala naman ang matanda na si Domingo Villacampa. 64 anyos na si lolo Domingo at namumuhay nang mag-isa.

2013 nang ma-stroke si lolo Domingo at mula noon, hirap na siyang maglakad lalo na ang pagtawid.

"Parang nakakapagpataba ng puso kasi bibihira naman ngayon ang ganun eh not unless kung tawagin mo, pero 'yung magkusa, bibihira ako makaano ng ganyan," pahayag ni lolo Domingo.

Kwento naman ng dalawang estudyante, labis lamang daw silang nag-aalala sa matanda at dala ng kahinaan, baka raw madisgrasya o masagasaan.

Dahil sa kabutihang loob nina Matthew at Marc, hinangaan sila nang husto ng mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Faith in humanity restored"

"May pag asa pa ang earth!"

"wow..kapit lang idol my pag asa pa tlga..marami pa silang mababait"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica