Eto malupit! Batang babae, sinubukang pigilan ang mga holdaper

Eto malupit! Batang babae, sinubukang pigilan ang mga holdaper

-Sa isang CCTV footage, kitang-kita kung paanong sinubukang pigilan ng isang batang babae ang ilang holdaper

-Nangyari ang insidente kahapon, September 28, sa Bacao I, City of General Trias, Cavite

-Nasaktan ang batang babae sa pagpigil nito sa mga kawatan ngunit ayon sa ulat ay ligtas naman ang lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang batang babae ang bahagyang nasaktan ng tangkain nitong pigilan ang mga holdaper sa Bacao I, City of General Trias, Cavite.

Nangyari ang insidente kahapon, Sepetember 28. Ayon sa biktima na si Bhing Minia, ilang minutong nag-aalok ng DVD sa labas ng kanilang compound ang mga kawatan, maya-maya'y bumunot na ang mga ito ng baril at tsaka isinagawa ang pakay na pagnanakaw.

Samantalang ang bata naman ay napadaan lamang at nakasalubong ang mga suspect. nang mapalapit ito ay inagaw ng bata ang bag na naglalaman ng pera ngunit nabawi ito mula sa kanya.

Humabol pa ang bata sa mga ito at tila walang takot na sumugod, doon na ito itinulak ng mga suspect at tsaka tumakas.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa report ng GMA News, walang naiulat na malubhang nasaktan maliban sa matapang na bata na bahaya daw nasaktan, na ipinagpapasalamat ng mg biktima.

Natangay mula sa pamilya ni Minia ang tatlong cellphone at dalawang bag na may lamang pera. Naka-blotter na umano ang mga suspect.

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mga 'kalaro' umano niya ang nagligtas sa kanya, kwento ng batang nakaligtas sa sunog

Mga 'kalaro' umano niya ang nagligtas sa kanya, kwento ng batang nakaligtas sa sunog

4-anyos na himalang nakaligtas sa sunog, sinabing niligtas siya ng 'kalaro'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel