Netizens nagreact sa magandang trailer ng pelikulang First Love

Netizens nagreact sa magandang trailer ng pelikulang First Love

- May bagong pelikula na naman ang TEN17P ni Paul Soriano at ito ay pinagbibidahan ng dalawang magalang na artista sa showbiz na sina Aga Muhlach at Bea Alonzo

- Teaser pa lang ng pelikula na ibinahagi ng mga bidang artista at ni Direk Paul mismo ay nagtrending sa social media

- Dahil maraming netizens ang nagreact sa magandang trailer na ito, pang world class daw talaga, at sa katunayan, pati ang world class performer na si Lea Salonga ay humanga rin sa pelikula

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi pa man ipinapalabas at kahit teaser pa lang ang unang ibinahagi sa isa sa mga bidang artista na si Bea Alonzo sa bagong pelikula na dapat abangan ngayong October 17, 2018, ang First Love, ay nagtrending agad ito at umani ng papuri mula sa mga netizens.

Una ng naispatan ng KAMI ang teaser ng nasabing pelikula na pinagbibidahan rin ni Aga Muhlach under sa direksyon ni Paul Soriano at ng TEN17P sa Instagram ni Bea, at mahigit 388,513 na ang views nito simula na maipost ito at umani ng maraming reaksyon at komento.

Agad din naman nagbigay ng official trailer sina Aga Muhlach at Paul Soriano sa kani-kanilang mga social media accounts at dinumog rin ang naturang mga posts at magagandang komento tungkol sa pelikula.

Pati ang world class performer na si Lea Salonga ay napacomment na rin tungkol rito.

Heto ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Looks really promising!! Will watch this!! "
"The cinematography. Tatak direk @paulsoriano1017"
"Ganda aabangan ko to"
"Ang ganda..pang hollywood yung peg"
"Why do I have a Julia Roberts feels for u here? @beaalonzo can't wait I'm gonna watch this!"
"Shoutout to the TEN17P team! You guys are amazing 100"
"Oh my can't wait.. make it fast"
"Ganda naman. Looks exciting. Panoorin ko to."

Pati ang world class performer na si Lea Salonga ay napacomment na rin.

"Prepare your hearts for this!!! And lots of tissues!!! Guys, whatever you guys are selling, I am so buying!!! Aga Muhlach Paul Soriano"

Ito ang unang tambalan nina Aga Muhlach, Bea Alonzo, at Direk Paul Soriano sa isang pelikula.

Si Aga Muhlach at ang dating beauty queen-TV host na asawa niya na si Charlene Gonzales ay ninong at ninang sa kasal nina Paul at Toni Gonzaga, at katrabaho din dati ng huli si Charlene sa The Buzz.

Si Bea naman ay nakatrabaho ng Ultimate Multimedia Superstar-turned-ultimate-wife na si Toni sa blockbuster film na Four Sisters and a Wedding at naging matalik na magkaibigan rin.

Si Lea Salonga naman ay ninang sa kasal nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga, at dating ka- love team ni Aga Muhlach.

Kaya naman always full support ang isa't isa sa kanila.

Bukod pa rito, napaka promising naman talaga ng pelikula.

Ang ganda lang ng cinematography, ika nga ng mga netizens.

Una naming ibinahagi ang pagbahagi ni Bea Alonzo sa teaser ng pelikulang First Love sa kanyang Instagram account.

At dahil sa sobrang ganda nga ay napacomment ng "beautiful" si Charlene Gonzales na excited na ring manood.

POPULAR: Read more news about Paul Soriano here

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pulis, nag-iwan ng nasa ₱5,200 na tip sa buntis na waitress

Pulis, nag-iwan ng nasa ₱5,200 na tip sa buntis na waitress

Pulis, nag-iwan ng nasa ₱5,200 na tip sa buntis na waitress
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel