Palasyo, naging ‘playful’ lang daw si Pangulong Duterte sa kanyang naging statement ukol ‘EJK’

Palasyo, naging ‘playful’ lang daw si Pangulong Duterte sa kanyang naging statement ukol ‘EJK’

- Agad namang dinepensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Pangulong Duterte dahil sa paglahad nito ng kanyang kasalanan

- Sabi kasi ni Pangulong Duterte na ang tanging kasalanan lang niya ay ang ‘extrajudicial killings’

- Depensa naman ni Roque ay naging “playful” lang daw ang Pangulo rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naging mapaglaro lang si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging statement niya tungkol sa natatangi niyang kasalanan na 'extrajudicial killings' na kaugnay ng kampanya laban ilegal na droga ng administrasyon.

Sabi ni Roque, “That’s the President po being himself, being playful, highlighting the point na hindi siya corrupt,” sa isang panayam ng dzRH.

Dagdag pa ni Roque ay hindi raw seryoso ang Pangulo sa sinabi nito.

“Hindi na naman iyan seryoso ‘no. Sinasabi lang niya iyan, kasi nga palaging sinasabi iyan ang ginagawa niya ano. Pero it’s also na dinidiin lang niya na talagang hindi siya nagnanakaw, pero I don’t think na ang konteksto niyan ay literal,” base sa report ng GMA News.

“Tingin ko po, iyan ay hina-highlight niya na never, never siyang nagnakaw. Pinupulaan siya ng EJK pero hindi po siya napupulaan na magnanakaw siya,” sabi pa ni Roque.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiulat ng KAMI na sa isang speech sa harap ng mga bagong career government officials sa Malacañang ay sinabi ni President Duterte na, “Ano kasalanan ko? Nagnakaw ba ako dyan ni piso? Did I prosecute somebody na pinakulong ko? Ang kasalanan ko lang 'yung mga extrajudicial killing.”

Ngunit dinepensahan naman ng Pangulo ang kanyang sarili na walang ebidensya na siya nga ang nanguna sa pagpaslang ng mga addicts. Aniya, “4,000 deaths. When? Where? How? What did I use? Wala.”

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Ang chili pepper prank ay handa na! Maaaring makatulong ang chili peppers sa isang tao na maging isang milyonaryo? Ang aming host ay sigurado na maaari nila! At ibabahagi niya ang kanyang lihim sa tagumpay sa chili pepper prank video na ito! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel