Lalaking binansagang 'Boy Amok', kusang sumuko sa PNP

Lalaking binansagang 'Boy Amok', kusang sumuko sa PNP

-Lalaking nag-viral matapos mag-amok kusa na umanong sumuko sa Philippine National Police (PNP) San Leonardo

-Umabot na nga sa mahigit 4 million views ang viral video ni 'Boy Amok' na bansag sa kanya ng netizens

-Hindi naman naiulat kung ano ang naging dahilan ng pag-aamok nito sa mga motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sumuko na ang lalaking binansagan na 'Boy Amok' kahapon sa Philippine National Police (PNP) San Leonardo.

Nauna na itong naibalita ng KAMI, at umabot na nga ng 4 million ang views ng video nito sa kasalukuyan kung saan natyempuhan itong nagaamok ng mga sundalo sa Nueva Ecija.

Ayon sa report, ang mga sundalo din na naka-tyempo ng insidente ay tumulong para umayos ang traffic sa lugar kung saan naganap ang pag-aamok.

Matapos itong magviral sa social media, nalaman ng KAMI mula sa source ng video na si Ranie Chuidian na kusa umanong sumuko ang lalaki sa pulisya.

Ayon sa reports, ang mga sundalong nakatyempo kay 'Boy Amok' ay mga miyembro ng first Scout Ranger Regiment based at Camp Tecson sa San Miguel Bulacan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang litrato mula kay Chuidian, makikita ang lalaki ksama ang kinakasama nito habang iniinterview ng isang pulis.

Lalaking binansagang 'Boy Amok', sumuko na sa PNP

Photo source: Ranie Chuidian
Source: Facebook

Hinaharap ngayon ng lalaki ang mga charges para sa pagbibigay kaguluhan sa mga motoristang apektado ng kanyang pagaamok.

Hindi naman naibalita ang totoong dahilan nito sa kanyang nagawa.

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel