Petmalu! Batang lalaki, agaw eksena sa isang kasalan

Petmalu! Batang lalaki, agaw eksena sa isang kasalan

-Isang batang lalaki ang viral ngayon sa social media matapos nitong magnakaw ng halik sa isang batang babae

-Sa viral video, makikita ang set up kung saan nakatayo ang groom at bride sa harap ng simabahan kasama ang mga abay ng mga ito

-At nang oras na nga para halikan ng groom ang bride, hindi inaasahan ng lahat na gagayahin ng kanilang page boy ang ginawa ng groom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inagaw ng isang batang lalaki ang eksena ng bride at groom sa araw ng kasal ng mga ito. Sa isang viral video, ninakawan ng halik ng batang lalaki na nagsilbing page boy sa event ang isang flower girl.

Ang eksena kasi, inimbitahan ng photograper ang bagong kasal para sa pictrial sa harap ng simbahan kung saan naganap ang kasalan. Kasama ang mga abay na lalaki at babae, nasa harap ng newly weds ang page boy at ang flower girl.

Nakatayo ang mga ito at kailangang takpan nila ang kanilang mga mata dahil sa hahalikan na ng groom ang kanyang bride.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit may iba palang plano ang page boy! Dahil ginaya nito ang ginawa ng groom sa kanyang bride.

At dahil tinakpan ang mga mata, gulat na gulat ang flower girl!

Agad naman itong sinaway ng mga naroon at sabay-sabay na nagsitawanan dahil sa nangyari.

Benta naman ito sa ilang mga netizens.

Netizens: "Daig pa tayo HAHAHAHAHA"

Netizens: "Di ako nagsasawang panoorin.. kulit ng bata lalaki cute cute.. hahah"

Netizens: "Napanuod ko yan. Petmalu yung bata."

Umabot na sa mahigit 2 million ang views ng viral video na ito.

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang pasahero ng tren

Lola, di raw pinaupo at hinayaang nakatayo lamang ng ibang nakababatang pasahero ng tren
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel