NBI, naghain na ng reklamo sa diumano’y members ng ‘Red October’

NBI, naghain na ng reklamo sa diumano’y members ng ‘Red October’

- May reklamo na ang NBI laban sa members ng ‘Red October’

- Ang grupo raw ay nasa isang sakahan sa Tanay, Rizal

- Ilan sa mga nahuli ay ang may-ari ng sakahan at mga Chinese

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghain na ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga diumano’y members ng ‘Red October’. Ang grupong ito may plano raw na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nalaman ng KAMI sa report ng Dobol B sa News TV na ang grupo raw ay nasa isang farm sa Tanay, Rizal.

Ilan sa mga naaresto ay ang may-ari ng farm at ilang Chinese nationals. Nahulihan ang mga ito ng mga hindi lisensiyadong baril na lumalabag naman sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Act.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naiulat naman ng KAMI noon na kahit hindi natuloy ang pagpapatalsik ng mga komunista kay Pangulong Duterte noong September 21, habang 46th anniversary ng batas militar ay may bagong plano naman para sa Pangulo, ito nga ang ‘Red October’. Tuwing Oktubre ginaganap ang international month of communism.

Ayon din sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay may mga sabwatang nagaganap raw upang patalsikin ang Pangulo. Kasama na raw dito ang Communism Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), Magdalo at Tindig Pilipinas. Dagdag pa ng AFP na kasama raw sa si Vice President Leni Robredo at opposition Senador Antonio Trillanes sa Tindig Pilipinas.

Itinanggi naman ito ni Robredo at Trillanes. Sabi ni Robredo na ang akyusasyong ito ng administrasyon ay “baseless”.

POPULAR: Read more news about President Duterte here!

Ang chili pepper prank ay handa na! Maaaring makatulong ang chili peppers sa isang tao na maging isang milyonaryo? Ang aming host ay sigurado na maaari nila! At ibabahagi niya ang kanyang lihim sa tagumpay sa chili pepper prank video na ito! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Relative of Las Piñas Mayor caught bullying scared couple with 2-year-old child

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak

Kamag-anak ni Mayor, nang-bully sa mag-asawang kasama ang maliit na anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel