Video ng Pinoy na kakaibang uminom ng kape sa eroplano, nag-viral

Video ng Pinoy na kakaibang uminom ng kape sa eroplano, nag-viral

- Nag-viral ang video ng lalaking may kakaibang paraan ng pag-inom ng kape sa eroplano

- Umabot na sa 1.8 million views ang naturang video

- Habang ang ibang netizens ay natuwa sa kalokohan ng lalaking ito, ang ilan naman ay tila nairita sa ginawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang video kung saan may kakaibang pamamaraan ng pag-inom ng kape ang isang Pinoy.

Makikitang lunan ng eroplano ang lalaki na tila ba'y iniisip kung ano paano niya iinumin ang kape.

Una niyang binuksan ang asukal at tinaktak niya ito sa bibig, sumunod ang kape bago siya uminom ng 2 lagok ng tubig.

Di rito natatapos ang pag-inom niya ng kape, gumamit pa siya ng stirrer at animo'y hinalo pa nga talaga niya ang kape na nasa kanyang bibig.

Maya maya pa'y uminom pa muli siya ng tubig bilang panapos ng kanyang pagkakape.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laugh trip daw ang ilang netizens sa ginawang io ng Pinoy, ngunit di lahat at nasiyahan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Walang nakakatawa nag mukha kang tanga! Kung mag vivideo ka ng katangahan wag mu na ipost at makikita ng buong mundo na meron palang mga pinoy na ubod ng tanga!"
"ahaha,,,nagpatawa lng xa kau nmn ohh,,sikat po yong tao na yan,sya po ang author ng BULKIT...."
"Sira ulo taga bundok siguro papansin lang"
"vlog nyan Pam pa Good vibes kaso maraming Nega..ha ha mga di Maka gets ng Joke.."
"Hehe katuwaan lang eh!!! Pinepersonal ng iba!!tatanda kayo lalo nyan hahaha"
"Sinadya lng nya yan yong ng video sa kanya cguro kasama din nya para lng mg viral kanya kanyang paraan lng yan hahahahhaa"
"yos din magpatawa si kuya pero babala sa mga bata wag gayahin baka mapaso kayo he he."

Samantala, nakilala ang lalaki na si Bulkit, isang writer, vlogger at DJ at sadyang gumagawa siya ng mga ganitong uri ng nakakatuwa at agaw eksena na video.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her child handsome

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”

Isabelle Daza reveals that she does not want people calling her son “gwapo”
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel