Jinkee Pacquiao, ninakawan diumano ng personal assistant ng pera’t alahas

Jinkee Pacquiao, ninakawan diumano ng personal assistant ng pera’t alahas

- Bigatin ang scoop ni Lolit Solis ukol kay Jinkee Pacquiao

- Ayon sa entertainment columnist, ninakawan daw si Jinkee ng kaniyang personal assistant

- Pera at alahas daw ang kinuha ng PA na sa General Santos pa galing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May malaking scoop ang entertainment writer na si Lolit Solis ukol kay Senator Manny Pacquiao at sa asawa nitong si Jinkee Pacquiao.

Nalaman ng KAMI na kwinento ni Lolit sa kaniyang social media account na ninakawan daw si Jinkee ng kaniyang personal assistant.

Ayon sa Instagram post ng columnist, alahas at pera raw ang kinuha ng PA ni Jinkee.

“Naku Salve may scoop ako sa iyo. Kaloka ang PA (personal assistant) ni Jinkee Pacquiao ha na isinasama niya sa lahat ng lakad niya, binibili ng mga gamit at isasama pa sana sa lakad nila sa Amerika this October nang ma-discover nila na unti-unti na pala silang ninanakawan.

“Depress na depress si Mama Jinkee dahil buong-buo tiwala niya sa babae na taga-GenSan na kinuha niyang PA. Tuwang-tuwa siya na isinasama sa bible study, shopping, beauty parlor, binibili ng mga gamit para hindi naman mukhang PA pag kasama niya.

“Pakilala pa niya kung minsan kamag-anak. Ito ang tagabilang pera, tagatago alahas, buong-buo ang tiwala. Nung last trip nila sa Japan kasama pa niya. Pagbalik nila, natulala si Mama Jinkee nang makita ang mga nawawalang alahas at pera.

“Sa sobrang bait ng mga Pacquiao, sinabihan na lang na bumalik sa GenSan, hindi na kinasuhan at iniyakan na lang ni Mama Jinkee at tinanong ‘bakit mo ginawa ito eh ang bait bait namin sa iyo.’ Hay naku, kasi nga siguro alam ni Mama Jinkee na babalik din lahat sa kanya ang ninakaw. Bait talaga mama Jinkee ko, bantayan mo kasi mabuti Bernard Cloma noh, huwag iwan Mama Jinkee kong mahal noh.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa nakaraang report ng KAMI, ipinakita ni Jinkee ang bonggang kwarto ng kaniyang mga anak.

Kakapanalo lang ni Manny sa laban niya sa Argentinian boxer na si Lucas Matthysse.

Ang mga susunod na maaari niyang makalaban ay sila Floyd Mayweather Jr., Amir Khan at Terrence Crawford.

POPULAR: Read more news about Jinkee Pacquiao!

Our team decided to prank cashiers and vendors in Metro Manila! The prank involves paying for food or items using chilies instead of money. This is relevant these days as the inflation in the Philippines has dramatically increased the cost of chilies. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV

Girl from a viral video does the 'Pangarap Ko Ang Ibigin Ka challenge' in GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel