15 Photos ng dalawang dekadang pag-iibigan nina Lucy Torres at Richard Gomez

15 Photos ng dalawang dekadang pag-iibigan nina Lucy Torres at Richard Gomez

April 28, 1998, nang ikinisal ang isa sa most good-looking couples sa showbiz noong mga panahon na iyon na sina Lucy Torres at Richard Gomez.

Kahit hindi na aktibo ang dalawa sa showbiz ngayon dahil sa bagong posisyon na hawak nila sa kasalukuyan para sa bayan ay pinag-uusapan pa rin ang dalawang ito dahil na rin sa kanilang nakakakilig na mga Instagram posts.

After all, sila lang naman ay isa sa pinakamagandang couples sa showbiz na talaga namang pinatunayan na ang totoong pagmamahal ay nagtatagal at tumatagal.

Kaya naman sa ika-dalawang dekada nila bilang mag-asawa ay sisilipin ng KAMI ang mahigit sa dalawang dekadang pagmamahalan nila sa pamamagitan ng mga piling larawan na ibinahagi nila sa kanilang Instagram accounts.

1. Ang "Throwback" ng kanilang pagmamahalan

Ang throwback picture na ito ay unang ibinahagi ni Richard Gomez sa kanyang IG, at nirepost din naman ni Lucy, na may magandang backdrop sa istorya sa likod ng naturang litrato.

Ito pala ang kuhang litrato ni Richard noong pangalawang arawa ng kanilang shooting ng Lux commercial, kung saan nagsimula ang lahat.

Tinago pala ito ni Richard since noong araw na iyon na kinuha niya ang naturang litrato, and that is what you call "Love at first sight," at "Meant to be."

2. Ang nakatakdang "Tadhana" ng kanilang wagas na pag-ibig

Noong 18th wedding anniversary nila, pinagsama ni Lucy ang apat na mahahalagang litrato noong unang nakilala niya ang kanyang childhood crush, at ang paghingi ni Richard sa kanyang kamay para magpakasal sa kanya.

3. The "Big Day!" Ang araw ng kanilang grandiosong kasal na talaga namang pinag-usapan

Ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

19th year ng wedding nila ay ibinahagi ni Lucy Torres ang mga piling mga eksena sa kanilang pagpapakasal na talagang pinag-usapan.

4. Young and in love! Honeymoon pictures nila sa Switzerland

Sa 20th anniversary ng kanilang pagpapakasal ay binahagi naman ni Lucy ang mga piling larawan ng kanilang honeymoon sa Crans Montana sa Switzerland, ani pa sa caption niya.

5. From childhood crush to husband, ang pag-ibig na walang hanggan

Every now and then, nagpopost si Lucy Torres ng mga sweet pictures ng kanyang gwapong mister.

Bago pa man sila mag-asawa ay napahilig na si Richard sa sports, at ang isa sa nahiligan nito ay ang rowing.

6. Ang pregnancy photo op session

Ibinahagi rin ni Lucy ang isa sa pregnancy photo op session nila ni Richard Gomez noong pinagbubuntis niya ang kanilang unica hija na si Juliana Gomez, na kakacelebrate lang ng kanyang debut.

Sa nakakatawa na caption ni Lucy, tinag niya si Juliana at sinabi na noon ay ipapanganak pa lang siya sa litratong ito pero ngayon raw ay magaling na magpaalam na lalakad.

7. Family trip, gets sun-kissed, and long walks by the beach with the family is love

Wala na nga'ng makakapalit pa sa oras na kasama ang pamilya mo.

Binahagi naman ito ni Lucy kasama ang kanilang baby na baby pa na si Juliana noong pumunta sila sa Boracay.

8. Love

Sabi ni Lucy sa kanyang followers na lagyan daw ito ng caption, at ang sagot naman namin ay "Love."

Ito ang mga titig ng dalawang taong nagmamahalan.

9. Sweet candid moments

Minsan lang pinapakita sa atin nina Lucy at Richard ang kanilang sweet candid moments together, na talaga naman nakakainggit.

10. Ang mga lagkit na titigan na nakakatunaw ng puso

Ang mga lagkit na mga titig ay talaga namang nakakawindang sa kilig.

11. Happiness

Kitang kita naman ang kaligayahan ni Lucy na nasa tabi niya ang kanyang mister.

12. Sweet gestures of true, undying love

Natural na siguro sa isang lalaki ang hindi mahilig gumawa ng mataas na love letter pero sigurado namang ang short na caption ni Richard para sa kanilang 20th wedding anniversary ay ang pinakasweet para sa kanyang misis.

13. Giving credit where the credit is due and paying tribute to the person you love

Hindi man mahilig si Richard magcomment o magcaption ng mataas pero sa espesyal na araw sa mga ina, mama, o mommies ay hindi niya tinipid ang magandang misis at mommy ng kanyang unica hija sa pagbibigay halaga, importansya, at taos-pusong pasasalamat sa pagiging dakilang ina.

14. Never forget to spend time together

Minsan, ang pinaka-importante sa lahat ay panahon at oras para sa iyong minamahal.

15. Blessed family

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Anak ni Pokwang, pinabilib ang netizens sa piniling pagkain na hinain sa kanya

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel