Acting lang daw! Pagpapanggap na baliw, bagong modus sa pagnanakaw

Acting lang daw! Pagpapanggap na baliw, bagong modus sa pagnanakaw

-Isang lalaki ang nakuhanan ng video na tila uma-acting na baliw habang binubuksan ang pintuan ng mga sasakyan sa may Aurora Blvd

-Nang mapansin na kinukuhanan siya ng video, agad na tumigil ang lalaki at dali-daling naglakad palayo

-Ayon sa mga tao sa lugar, pangkaraniwan na ang pagnanakaw doon ngunit ang pagpapanggap nito na wala sa sarili ay tila bagong modus na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaki ang nakuhanan na tila wala sarili habang binubuksan ang pintuan ng mga sasakyan sa Aurora, Blvd. sa Quezon City, ayon sa ulat ng GMA News.

Sa una, aakalaing wala talaga sa sarili ang lalaki ngunit ng mapansin nito na kinukuhanan siya ng video ay agad itong tumalikod at dali-daling naglakad palayo.

Ayon sa isang saksi na nakakita sa insidente at nakausap ng GMA News, hindi ito tagaroon sa lugar.

"Pilit na binubuksan po 'yung kotse, biglang naggo, hinabol niya pa ron tapos tumakbo pa siya ron. Ayun di ko na alam kung sumakay o ano,"

Hinala naman ng mga awtoridad, maaaring acting lang daw ng lalaki ang pagba-baliw-baliwan nito.

"Siguro 'yung modus kasi paiba-iba na sila ng ano ng ginagawa kasi nasusunog na 'yung iba, ngayon ang modus nila parang nagbabaliw-baliwan na raw siguro," ayon kay Senior Police Officer 1 Francisco Aquino ng Quezon City Police District (QCPD) Station 8.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman umano sa mga tao sa lugar, pangkaraniwan na lamang ang pagnanakaw doon. At ang madalas na target ay ang mga pasahero ng mga jeepney o kaya naman ay mga hindi naka-lock na sasakyan.

Babala naman ng mga awtoridad, maging alerto at iwasan na lamang ang paglalagay ng mga importanteng gamit malapit sa pinto o bintana ng mga sasakyan.

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos hindi pwedeng makita ng ina dahil sa matinding dahilan

4-anyos na bata, ayaw ipakita ng lola at DSWD sa ina dahil sa matinding dahilan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel