Uwian na, may nanalo na! 53 million na premyo sa Grand Lotto, solong napanalunan

Uwian na, may nanalo na! 53 million na premyo sa Grand Lotto, solong napanalunan

- Solo bettor lang ang nanalo sa Grand Lotto na may tumataginting ng 53 million pesos ang premyo

- 34-09-28-24-19-42 ang winning combination ng nanalo

- Wala pa ring nananalo sa Ultra Lotto 6/58 na umabot na sa ₱734 milyon ang mapapanalunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Napakaswerte ng solong nanalo ng 53 million pesos sa Grand Lotto nitong Miyerkules, Setyembre 26.

Nalaman ng KAMI na 34-09-28-24-19-42 ang winning combination ng nag-iisang nanalo.

Gaya ng naunang naibalita ng KAMI kung saan matiyagang tumaya ang isang lalaki 2 dekada na halos ang nakararaan, marami sa ating mga Pinoy ang nahuhumaling sa pagtaya ng lotto sa pag-asang mababago ang kanilang buhay sa laki ng maaring mapanalunan.

Uwian na, may nanalo na! 53 million na premyo sa Grand Lotto, solong napanalunan

Ang ilan, kasama na raw talaga sa budget ang pangtaya nila dahil sa pagbabakasakaling sila na ang maswerteng makapag-uuwi ng milyong milyong salapi.

Kadalasan pa ay may inaalagaan na silang numero na tinawag nilang winning bet. Inaabot daw talaga ng taon ang 'pag-aalaga' nila rito hanggang sa matumbukan na nito ang panalo.

Samantala, wala pa ring nakakasungkit ng premyo ng Ultra Lotto 6/58 na pumalo na sa ₱734 milyon ang halaga ng mapapanalunan. Kaya naman, marami sa ating mga kababayan ang walang humpay pa rin sa pagpila at pagtaya at baka sila na ang susunod na magiging milyonaryo.

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Economic Abused mother shares victory over a case filed against irresponsible father of child

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory

Woman files complaint against irresponsible father of her child, shares victory
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel