Kinuha daw! Trillanes, inakusahan si Calida sa pagkawala ng amnesty application records niya

Kinuha daw! Trillanes, inakusahan si Calida sa pagkawala ng amnesty application records niya

- Ayon kay Senador Antonio Trillanes ay si Solicitor General Jose Calida ang nagwala ng amnety application records niya

- Nanawagan pa si Trillanes sa AFP kung bakit nila hinayaang mangyari ito

- Dagdag pa ni Trillanes na alam naman ng AFP na nag-apply ng amnesty ang senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV ang Solicitor General na si Jose Calida na diumano kinuha at winala nito ang mga documents ng kanyang amnesty application ayon sa report ng Rappler.

Sa isang press briefing, nalaman ng KAMI na sabi ni Trillanes, “Nananawagan ako sa leadership ng Armed Forces [of the Philippines] and ng Department of National Defense, particularly yung J1 ng AFP. Alam nila na nag-apply ako. Alam nila na meron akong dokumento. Bakit hinayaan nilang kunin ito at iwala ni Mr. Calida?"

Kinuha daw! Trillanes, inakusahan si Calida sa pagkawala ng amnesty application records niya

Photo from Philippine Star
Source: Facebook

Si SolGen Calida ang nakaalam na may anomalya sa amnesty application ni Senador Trillanes. Kaya naman linagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 752 na sinasabing invalid ang amnestiyang ibinigay ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Trillanes.

Hindi raw kasi umaming guilty si Trillanes sa mga kaso niya noon at hindi rin daw kumpleto ang requirements niya. Dagdag pa ni Pangulong Duterte, dapat raw si dating Pangulong Aquino ang pumirma mismo sa certificate at hindi ang dating Defense Secretary na si Voltaire Gazmin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi naman ni Trillanes ay nag-apply siya ng amnesty at kumpleto ang requirements niya.

Aniya, “Nung tinanong sila, 'Anong katibayan niyo?' 'Yung certification lang na hindi mahanap, hindi certification na hindi ako nag-file. Sila ang nag-aassert. Sila ang nag-aallege. Sila ang maglabas ng proof, kasi meron akong certification [of amnesty],”

Ayon naman kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, tinawagan siya ni Calida kung may record daw ba ang Department of National Defense (DND) sa amnesty application ni Trillanes.

“He [Calida] asked me, he asked me personally by phone to get the amnesty records niya [Trillanes] sa Department of Defense and sa AFP so I provided him," sabi ni Lorenzana.

Pero depensa naman ni Lorenzana ay, “I did not say I provided him any records. What I said was he asked me if we at DND have a record of amnesty of Trillanes and his group. I replied I don't know as this happened in many years ago. I asked our JAGS (Judge Advocate General's Service) to assist the SOLGEN. Solgen Calida sent one of his staff to the JAGS.”

Naiulat naman ng KAMI noon na naghain na ang Makati Regional Trial Court Branch 150 ng arrest warrant at hold departure order laban kay Senador Trillanes. Agad namang nagpiyansa ng P200,000 si Trillanes matapos ang court decision na ito.

POPULAR: Read more news about Senator Trillanes here!

Ang chili pepper prank ay handa na! Maaaring makatulong ang chili peppers sa isang tao na maging isang milyonaryo? Ang aming host ay sigurado na maaari nila! At ibabahagi niya ang kanyang lihim sa tagumpay sa chili pepper prank video na ito! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel