Pres. Duterte, hinikayat ang mga sundalo at pulisya na maging tapat sa bayan sa kabila ng banta ng 'Red October'

Pres. Duterte, hinikayat ang mga sundalo at pulisya na maging tapat sa bayan sa kabila ng banta ng 'Red October'

-Sa gita ng umano'y banta ng 'Red October' na patalsikin si Pangulong Duterte, hinikayat nito ang AFP at PNP na maging tapat sa bayan

-Ayon pa sa Pangulo, hindi na kinakailangan pang dumaan sa isang coup d’etat at kusa siyang aalis sa pwesto kung sa tingin ng mga ito ay may mas karapat-dapat na umupo sa pwesto

-Naniniwala din ang Pangulo na mayroong tulong mula sa AFP at PNP para mapatalsik siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"If you think there's a better guy there on the side... if you think that matanda na talaga ako at di na ako makakapagtrabaho or I am no longer be able to articulate what I should be doing in government, just tell me,"

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules kaugnay ng plano umanong pagpapatalsik sa kanya sa pwesto, mula sa ulat ng GMA News.

Dagdag pa nito, hindi kinakailangang magsayang ng oras para sa coup d’etat, dahil kusa naman daw siyang aalis sa pwesto kung merong mas karapat-dapat sa pwesto ng pagka-pangulo.

"Do not go into such stupid things as coup d’etat. You’re wasting your time. Just talk to me. And if I think that you are right, I will agree with you and I will step down. Uwi na ako sa amin,"

Dapat raw, mas maging tapat ang mga unipormadong opisyal sa bayan lamang.

"Your loyalty should begin and end with the Republic of the Philippines. Do not mind me,"

Makailang beses na rin ipinahayag ng Pangulo na kaya nitong iwan ang pwesto kung may taong kayang solusyunan ang problema ng bansa. Ngunit mariin nitong sinabi na hindi ang kanyang bise Presidente na si Leni Robredo ang nararapat dito. Na siyang papalit sa kanyan sakaling magbitiw o maalis ang Pangulo sa pwesto.

Ayon pa dito, mas pipiliin pa niya ang isang junta para mamuno sa Pilipinas.

Pres. Duterte, hinikayat ang mga sundalo at pulisya na maging tapat sa bayan sa kabila ng banta ng 'Red October'

Photo source: ABS-CBN News
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, hindi rin naniniwala si Digong na walang tulong mula sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang planong pagpapatalsik sa kanya.

Pinaalala din nito ang mga naitulong ng administrasyon para sa mas ikabubuti ng militar.

Ayon din sa mga impormasyong nakuha ng AFP, dapat daw ay noong September 21, ika-46 taon ng pagdedeklara ni Marcos ng martial law, ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

sa likod nito ay ang Communist Party of the Philippines umano. Itinanggi naman ito ng rebeldeng komunista at ng Liberal party.

Samantala, sinabi ng Malacañang na hindi ang 'people power' ang magpapatalsik sa Pres. Duterte, dahil mahal ng taong bayan ang Pangulo.

POPULAR: Read more news about Pres. Rodrigo Duterte here!

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel