Video ng "Kpop Kid" na humahataw ng 'Baam', lampas 4 million views na

Video ng "Kpop Kid" na humahataw ng 'Baam', lampas 4 million views na

- Agaw eksena ang cute na cute na school boy na si Liyam Augustine Manuel sa paghataw niya ng 'BAAM' ng Momoland

- Memorya ng batang lalaki ang sayaw at nakaka-good vibes talaga ang ka-cute-an nito

- Pumalo na sa mahigit 4 na million views ang video na in-upload noon lamang Setyembre 23

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sino ba naman ang di matutuwa sa ka-cute-an ni Liyam Augustine Manuel o mas kilala na ngayong "Kpop Kid" ng Iloilo.

Dahil sa petmalung dance moves niya sa mga Momoland hits na 'Bboom Bboom' at 'Baam' kinagigiliwan na ngayon sa social media ang apat na taong gulang na si Liyam.

Nalaman ng KAMI na sa murang edad na isang taong gulang, nahilig na si Liyam na sumayaw at madali nitong mamemorya ang mga modern dance hits.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ilang videos na ni Liyam ang naging agaw eksena sa social media. Ang pinaka-bago nga ay ang version niya ng 'BAAM' ng Momoland na sinayaw niya sa kanilang classroom.

Di kataka-takang si Liyam ang nasa gitna ng sayawan dahil sa galing niya sa pagsasayaw at memoryang memorya niya talaga ang mga kritikal na dance moves ng grupo.

Di lang ito, kumpleto pa sa facial expressions ang 'Kpop Kid' na nakadagdag sa kanyang ka-cute-an.

Tuwang tuwa ang mga netizens na nakapanood ng video kaya naman pumalo na ito sa mahigit apat na milyong views mula nang ito ay maibahagi noong Linggo, Setyembre 23.

Narito ang ilang sa mga nakakatuwang komento rin ng netizens na naging mga instant fans ni Liyam:

"Congrats langga.. Banat lng ng banat gha a.. Magiging artista ka na hehehe. Nag uumpisa na career mo"

"Ang galing galing ni Baby Llyam.. Go go go..."

"Nakaka-ganda naman ng umaga ang batang ito. Ang cute!"

"Nakakatuwa, bibong bibo this kid!"

"At ang facial expression winner hehe"

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano

Anak na diumano'y dinukot, nailigtas matapos humingi ng tulong

Isang anak, humingi ng saklolo matapos siyang dukutin diumano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel