Pati inosente, kinasangkapan! Sanggol, pinagtaguan pa ng droga sa diaper

Pati inosente, kinasangkapan! Sanggol, pinagtaguan pa ng droga sa diaper

- Inosenteng sanggol ang nagsilbing taguan ng droga ng mga nahuling pusher sa QC

- Sinilid umano ang ilang pakete ng pinagbabawal na gamot sa diaper ng sanggol

- Menor de edad pa ang may dala ng sanggol ng mahuli ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Huli ang isang menor de edad na may dalang sanggol sa isinagawang raid sa Barangay Gulod, Quezon City.

Bagaman at di naaresto ng kinauukulan ang target na suspek na si Jeffa Gerbacio dahil nakatakas ito at nakalusot sa dikit dikit na bahay, nasakote naman ng pulis ang ilan pang pusher sa lugar kasama na ang mga bata na inosente na ginagamit sa operasyon.

Bukod daw sa makipot na lugar dahil sa magkakadikit ang mga bahay doon, masasabing 'uncooperative' daw ang mga tao roon dahilan na rin sa takot na sila ay madamay sa gulo.

Base rin sa panayam sa pulisya, tila walang alam ang mga batang nagagamit at inosente ang mga ito sa panggagamit sa kanila sa bentahan.

Ayon sa GMA news nakuha sa diaper ng sanggol na karga ng menor ang walong plastik ng pinagbabawal na gamot na may halaga raw na ₱70,000.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nalaman ng KAMI na dalawa sa mga suspek ay menor de edad kabilang sina Malaya Cornejo, Clara Sumbilla, Monjehar Diamaton.

Labi na tinatanggi ng mga suspek ang alegasyon ngunit kalaunan ay inamin na rin ni Monjehar ang kanilang sinasagawang modus sa pagbebenta ng droga.

Haharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive DangerousDrugs Act ang mga suspek habang dinala naman ang mga bata sa Department of Social Welfare and Development

Sino ang Neil Armstrong? Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali!

Sagot ng mga Pilipino Nakakatawang Nakagod na mga Tanong Tagalog: Sino si Neil Armstrong? on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Fact check: Can a victim of bullying get financial compensation?

Fact check: Can a victim of bullying get financial compensation?

Fact check: Can a victim of bullying get financial compensation?
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel