Kapalit ng pinapangarap na bahay, pagtitiis at sakripisyo ang iniinda ng isang OFW

Kapalit ng pinapangarap na bahay, pagtitiis at sakripisyo ang iniinda ng isang OFW

-Pangarap na bahay para sa pamilya ang inuunti-unti ng ating kababayang OFW sa Saudi na si Luzviminda

-Sa ngayon, naitayo na niya ito at patuloy pa umanong pinapagawa

-Ngunit ang kapalit nito ay napakaraming pagsasakripisyo para sa sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot na daw sa tatlong taon ang pagpapagawa ng bahay ni Luzviminda sa Pilipinas para sa pamilya at patuloy na inuunti-unti para sa matagal na niyang pangarap.

Isang overseas Filipino worker si Luz sa Saudi Arabia. At patuloy na kinakaharap ang mga hamon ng pagiging OFW lalo pa at may pamilyang umaasa sa kanya.

Ayon kay Luz, hindi madali para sa kanya na abutin ang pinapangarap na tahanan. Sinasagot kasi niya ang lahat ng gastusin ng pamilya sa Pilipinas. Kuryente, tubig at pagkain. Bukod pa rito ang allowance ng kanyang anak na nasa college.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

At dahil likas sa mga Pilipino na tulungan ang mga magulang, hindi pa rin nalilimot tumulong ni Luz sa magulang.

Dahil dito, kinakailangang tipirin nito ang sarili para sa pamilya at sa pinapangarap na bahay.

Ngunit dahil matatag, kinakaya pa rin ni Luz ang buhay. Dahil sa kabila ng maraming pagsisikap at sakripisyo, naniniwala siya na may magandang bukas para sa kanya.

Kapalit ng pinapangarap na bahay, pagtitiis at sakripisyo ang iniinda ng isang OFW

Source: OFW Kabisig

Philippines social experiment: Watch how this guy pay for a ride and some food with the trending 'chili peppers'. Watch how the people react with this act in this funny video. Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Anyare, ASAP?! Tanong ng maraming dismayadong fans sa bagong bihis ng ASAP

Anyare, ASAP?! Tanong ng maraming dismayadong fans sa bagong bihis ng ASAP

Anyare, ASAP?! Tanong ng maraming dismayadong fans sa bagong bihis ng ASAP
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel