Bagong silang na sanggol, binalot sa dahon ng gabi at iniwan sa tabi ng sapa, nasagip ng tanod

Bagong silang na sanggol, binalot sa dahon ng gabi at iniwan sa tabi ng sapa, nasagip ng tanod

- Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa masukal na bakanteng lote sa Camarines Sur

- Nakakabit pa ang pusod sa baby at ang kanyang inunan ay andun din daw

- May ilang kabataan ang nakakita ng sanggol nang mapadaan sila sa nasabing lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabahala ang kaganapan sa Camarines Sur matapos matagpuan ang isang bagong silang na sanggol sa tabi ng sapa.

Nalaman ng KAMI na ilang kabataan ang nakakita sa sanggol nang mapadaan sila sa nasabing masukal na lugar.

Ayon pa sa ulat sa GMA, ang tanod na si Gerry Gonzaga ang nakakuha sa bata pagkatapos maireport ng mga kabataan sa barangay ang tungkol sa sanggol.

Bagong silang na sanggol, binalot sa dahon ng gabi at iniwan sa tabi ng sapa, nasagip ng tanod

Bagong silang na sanggol, binalot sa dahon ng gabi at iniwan sa tabi ng sapa, nasagip ng tanod
Source: Facebook

Nu'ng nilapitan ko, natakpan ng karton. Ginanyan ko dahan-dahan 'yung karton, inangat ko, pagbukas ko, sabi ko, bata," saad ni Gerry.

Ayon naman kay Senior Police Officer 3 Edmundo Trinidad Jr., Deputy Chief/PIO, GOA Police, nakabalot daw sa dahon ng gabi ang sanggol.

Bagong silang na sanggol, binalot sa dahon ng gabi at iniwan sa tabi ng sapa, nasagip ng tanod

Bagong silang na sanggol, binalot sa dahon ng gabi at iniwan sa tabi ng sapa, nasagip ng tanod
Source: Facebook

Sabi pa ni Trinidad ay delikado na kung inabot pa ng gabi ang baby sa nasabing lugar.

Ngayon, nasa mabuting kalagayan na ang sanggol sa ilalim ng pangangalaga ng DSWD.

Hinahanap naman ng pulisya ang ina ng sanggol.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Malaya pa rin! Ibinasura ng Makati RTC ang nais ng DOJ na ipaaresto si Sen. Trillanes

Malaya pa rin! Ibinasura ng Makati RTC ang nais ng DOJ na ipaaresto si Sen. Trillanes

Malaya pa rin! Ibinasura ng Makati RTC ang nais ng DOJ na ipaaresto si Sen. Trillanes
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel