It's positive! Marian Rivera and 14 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera and 14 very much pregnant celebrities replay

Pinag-uusapan nga kamakailan lang ang anunsyo ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang Instagram account na dinadala niya ang pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

Ibig sabihin magiging ate na si Zia, na magiging 3 years old na ngayong November.

Dumagdag nga ang napakagandang si Marian Rivera sa listahan ng mge lovely celebs na very much pregnant ngayong taong ito.

Kaya naman sisilipin nating muli ang listahan ng mga preggy celebs sa taong ito.

Ito ang lovely preggies, replay ng KAMI dahil kasama na ngayon sa listahan ang napakagandang si Marian Rivera.

1. Rona Tai

Ang proud soon-to-be IVF baby parents na sina Rona at Eric Tai ay excited na sa kanilang first baby together.

2. Miriam Quiambao-Roberto

Masaya ding ibinahagi nina Miriam at mister nito noong August 19, ang pagdadalang tao ni Miss Universe 1999 1st runner-up sa edad na 43 years old.

9 weeks pregnant na si Miriam noong inanunsyo nila ang kauna-unahang pagbubuntis ng dating beauty queen.

3. Rochelle Pangilinan-Solinap

Nagpost naman si Rochelle ng OOTD snap sa taas noong September 1, at sinabi niya ito daw iyong araw at suot suot niya na first time niyang nalaman na buntis siya sa kanyang unang baby sa mister na si Arthur.

4. Aubrey Miles

Proud naman na ipakita ni Aubrey Miles ang kanyang growing baby bump ng ikatlo niyang anak.

5. Tricia Centera

Ang estranged wife naman ni Gab Valenciano na si Tricia Centenera ay sinorpresa ang mga netizens nang inupload niya ang kanyang baby bump sa kanyang Instagram account na may kasamang prayer.

Ito ay ang unang baby niya with now-partner Duane Santos.

6. Sitti Navarro-Ramirez

Isa rin sa napakablooming na very much preggy ay ang bossa girl na si Sitti Navarro.

7. Nathalie Hart

Gorgeous pa rin ang 6-month pregnant na si Nathalie Hart at looking pretty naman sa premiere night ng kanyang pelikula kasama sina Cristine Reyes, Kylie Versoza, Meg Imperial, at Roxanne Barcelo.

8. Rich Asuncion-Mudie

Ang First Princess ng StarStruck ay proud na proud sa kanyang growing baby bump.

9. LJ Reyes

Isang happy soon-to-be-2nd-time-mom naman si LJ Reyes.

Ito ang kauna-unahang anak nila ni Paolo Contis.

10. Vanessa Matsunaga-Sunga

2nd time preggy din ang pretty sister ni Daniel Matsunaga na si Vanessa at ngayon ay isang lalaki na ang kanilang magiging anak.

11. Shamcey Supsup-Lee

Ang 3rd runner up ng 2011 Miss Universe ay excited na rin sa kanyang 2nd baby, at kitang kita na tila gusto ng lumabas ang baby niya.

12. Isabel Oli-Prats

Lalong gumaganda naman ang misis ni John Prats na si Isabel Oli na expecting their 2nd child na din.

13. Bianca Gonzalez - Intal

Excited na rin si Bianca Gonzalez sa kanyang 2nd child with husband JC Intal.

14. Andi Manzano-Reyes

Noong July naman inanunsyo ni Andi Manzano ang 2nd baby nila ni GP Reyes.

15. Marian Rivera

At dumagdag na nga sa listahan ang napakagandang si Marian Rivera.

Kahapon ay inanunsyo na niya sa kanyang IG ang tungkol sa pagbubuntis niya.

Masaya naman sila na magiging apat na sila soon.

Sino na naman kaya ang dadagdag sa listahang ito?

Meron pa kaya?

Una na naming binahagi ang listahan ng mga lovely preggies sa showbiz kamakailan lang.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel