Solenn Heussaff nanlulumo sa nararanasang diskriminasyon mula sa kapwa Pilipino dahil sa pagiging Filipino-French

Solenn Heussaff nanlulumo sa nararanasang diskriminasyon mula sa kapwa Pilipino dahil sa pagiging Filipino-French

- Umamin ngayon si Solenn Heussaff na nakaranas siya ng diskriminasyon dahil sa pagiging Filipino-French niya

- Sa edad na 33, nakakaranas pa rin siya ng diskriminasyon na di niya maintindihan kung bakit

- Inilathala ni Solenn na parati siyang sinasabihan na bumalik na lang daw sa France

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi itinago ng 33-years-old na model at aktres na si Solenn Heussaff na nakakaranas siya ng diskriminasyon mula sa kapwa Pilipino.

Nalaman ng KAMI na ang ugat ng diskriminasyong sinasabi ni Solenn ay dahil sa pagiging mixed race nito.

Minsan daw nag-tweet siya tungkol sa sobrang traffic sa bansa at sinabihan siya kaagad na bumalik na lang daw sa France kung hindi siya masaya.

"Actually, I’ve encountered a few [instances], parang it annoys me nga, kasi who are you to tell me na hindi ako Pinoy?

"Kasi Pinoy ako, may passport ako.

"Even if I didn’t have a passport, I grew up here, I was raised here, my mom’s Filipina, I have the same values as the Filipino people.

"So I am Filipino, like Kelsey is, [she is] half-Filipino din."

Ito ang pahayag ni Solenn sa PEP. Si Kelsey Merritt ang kauna-unahang Filipina na rarampa sa Victoria's Secret Fashion Show.

Kahit na Pilipino siya, sinasabihan siyang, "not Pinoy-looking."

Nag-explain muli si Solenn.

"The thing is, nakakatawa sa mga Pinoy minsan, sometimes, so us, we’re half, we grew up here and everything, they’ll say, ‘Ay, hindi kayo Pinoy, bumalik kayo sa inyong bansa.’

"But then you have people, like... I’m not hating, I love Jessica Sanchez, na pure Pinay, but grew up [abroad], but has never been to the Philippines before American Idol.

"Lahat ng Pinoys, ‘Oh my God, proud Pinoy!’

"I’m like mas Pinoy pa ang mga Brazilian na tumitira dito kesa sa kanya.

"But when it comes to bashing, they just want to do anything.

"But once there is konting Pinoy blood sa international level, they will claim it.

"But when there is someone local that is discovered internationally, they bash.

“So, parang anong gusto niyo? OK, you have your own mind, your own opinion, but what do you want talaga?

"So, maraming nakaka-frustrate."

Sinabi na rin ni Solenn na hindi naman niya nilalahat, kasi nga marami naman daw ang mabubuti kaysa mga nagsasabi sa kanya na bumalik siya sa Pransya. Naiulat sa KAMI before na talagang nag-respond si Solenn sa nagsabi nito sa kanya.

POPULAR: Read more about Solenn Heussaff

Street Vox Pop - Asking women what kind of male boy they prefer? on Kami YouTube channel This video simply shows the surprising preference of women when it comes to the type of man that they prefer, or rather, want.

Source: Kami.com.ph

Related news
Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel