"Hashtag big switch!" 10 Showbiz personalities na lumipat raw ng relihiyon

"Hashtag big switch!" 10 Showbiz personalities na lumipat raw ng relihiyon

Lahat tayo ay may sariling mga paniniwala at pananampalataya, at habang ang iba ay hinahanap nila ang kanilang sarili sa mundong ginagalawan natin, ang iba naman ay natuklasan na ang buhay at relasyon na gusto nilang patatagin.

Heto ang 10 na mga showbiz personalities na napag-alaman ng KAMI na nadesisyon na magkaroon ng mas makabuluhan na relasyon umano sa panginoon sa pamamagitan ng paglipat nila ng relihiyon.

Ang listahang ito ay naispatan namin sa GMA News Online.

1. Victor Neri

Ang isa sa mga orihinal na mga Kapamilya hunks na si Victor Neri ay kamakailang lang ay winelcomed sa Iglesia ni Cristo.

Ani pa sa balita, isa raw non-practicing Catholic si Victor Neri bago daw niya sinubukan ang Christianity at Buddhism.

Noong November 2017, ay opisyal na nagconvert sa Iglesia ni Cristo ang aktor.

2. Christopher Roxas

Naging miyembro na rin si Christopher Roxas sa INC nang maging girlfriend niya noon ang asawa na ngayon na si Gladys Reyes na isang miyembro ng naturang pananampalataya.

3. Yasmien Kurdi

Ani pa sa ulat, kilalang miyembro raw noon ng INC ang Kapuso aktres na si Yasmien Kurdi pero nagpakasal daw siya sa isang non-member na si Rey Soldevilla, Jr., na isang piloto.

At inamin umano na ang relihiyon ng kanyang asawa ang kanyang sinusunod.

4. LJ Reyes

Isa rin ang Kapuso aktres na si LJ Reyes na nagpabinyag umano bilang isang Born Again Christina noong August 2015.

5. Max Collins and Pancho Magno

October 2015 din, pagkatapos ni LJ Reyes, sumunod ang mag-asawa na ngayon na sina Max Collins at Pancho Magno na maging Born Again Christians.

6. Manny Pacquiao

Ang pamilya nina Senator Manny Pacquiao ay naging Born Again Christian pero ang ina ng People's Champ na si Mommy Dionisia ay nanatiling Katoliko.

7. Regine Velasquez-Alcasid

Saad sa ulat, bago daw ipanganak niya ang anak nila ni Ogie Alcasid na si Nate ay nagkaroon daw ng miscarriage ang Asia's Songbird.

Ito umano ang nagtulak sa aktres na magpaconvernt sa pagigign Born Again Christian noong 2013.

8. Rica Peralejo

Naging isang Born Again Christian rin si Rica Peralejo at bukod pa raw rito ay isang pastor pa ang kanyang naging asawa.

9. Hayden Kho

Pagkatapos ng masalimot na kontrobersiya na pinagdaanan niya ay nagdesisyon daw si Hayden Kho na ayusin niya ang kanyang buhay at maging isang Born Again Christian.

10. Robin Padilla

Ayon pa sa ulat, nagpaconvert daw sa Islam ang aktor na si Robin Padilla habang nasa piitan siya noon.

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Apektado si baby! Jewel Mische faces 'devastating' condition few months after giving birth

Apektado si baby! Jewel Mische faces 'devastating' condition few months after giving birth

Apektado si baby! Jewel Mische faces 'devastating' condition few months after giving birth
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel