3 Pagkakaiba ng Star Magic Ball at ABS-CBN Ball ngayon

3 Pagkakaiba ng Star Magic Ball at ABS-CBN Ball ngayon

Ang much-awaited annual Star Magic Ball ng Kapamilya network ay gaganapin na ngayong September 29, 2018, sa Makati Shangri-La.

Pero ngayon ang pinakamalaking event ng taon sa showbiz ay tatawagin ng ABS-CBN Ball kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit at ano ang pagkakaiba nito.

Dahil dito, inilista ang tatlong pagkakaiba ng Star Magic Ball at ABS-CBN Ball kaya sisilipin ng KAMI kung anu-ano ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Unang naispatan namin ang naturang pagkakaiba ng isa sa pinaka-engrandeng events sa showbiz world sa cosmo.ph.

So, bakit ba ito tinawag na ABS-CBN Ball imbis na Star Magic Ball, which is the traditional annual event ng Kapamilya network?

Ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa?

1. Pagbabago ng pangalan ng naturang event

Sa loob ng 11 na taon, ang engrandeng okasyon na ito ay tinawag na "Star Magic Ball" pero ngayon, for the very first time, ito ay tatawagin ng "ABS-CBN Ball."

Ayon na rin sa balita, ang nasabing annual event ng Kapamilya ay ang pagtipon-tipon ng mga Star Magic artists.

Minsan meron silang iniimbita na mga guests.

Pero ngayon, itong entertainment at fashion event ay binago ang pangalan para ma-accomodate ang LAHAT ng mga talents ng ABS-CBN at hindi lang mga Star Magic artists.

At ang magiging hosts ng nasabing okasyon ay sina Tim Yap, Rajo Laurel, at Joey Mead King.

2. Mas maraming mga kumikinang na bituin na bisita

Unlike dati na EXCLUSIVE lang ang event sa mga Star Magic artists, ngayon mas maraming mga artista na ang sasali kahit ang mga bituin na hindi managed ng ABS-CBN ay dadalo kagaya nina James Reid at Nadine Lustre na pinag-uusapan na ang preparasyon sa nasabing event sa Sabado.

Ibig sabihin mas malaki at grandioso ang event na ito dahil lahat ng mga talents na nagtatrabaho sa ABS-CBN kahit hindi managed ng Star Magic o ng Kapamilya network gaya ng mga It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, at Karla Estrada ay invited rin.

Napapabalita rin na sasali sina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Coco Martin, Sarah Geronimo at Matteo Guidecilli sa event.

Aatend din ba kaya ang Gonzaga sisters na sina Toni at Alex Gonzaga?

Kasali din kaya si Angel Locsin?

Sinu-sino pa kaya?

3. For a greater cause - Bantay Bata 163

At gaya din daw noong unang taon, ang proceeds o ang cause ng 2017 Star Magic Ball para sa Bantay Bata scholars.

Ngayon, ilalaunch umano ang kampanya para mabuksang muli ang Bantay Bata 163 Children's Village sa Norzagaray, Bulacan sa darating na Disyembre.

Ang naturang bahay ay magiging tahanana ng mga batang na abuso, exploited, at neglected.

Sinu-sinong mga artista ang gusto ninyong makita?

We added a new video with our fellow kababayans answering some tricky questions, and it sure is a whole lot of fun.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral

Yan ang tunay na beauty queen! Miss Vietnam's homecoming video goes viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel