Dagdag sweldo! DOLE, sinabing tuloy ang pagtaas ng minimum wage sa NCR

Dagdag sweldo! DOLE, sinabing tuloy ang pagtaas ng minimum wage sa NCR

- Kinumpirma na ng DOLE ang dagdag sa minimum wage ng mga taga-NCR

- Sabi ng DOLE ay at least P20 ang madadagdag pero pwedeng mas tumaas pa rito

- Umani naman ng iba’t-ibang reakyson sa ibang labor groups ang balitang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang good news naman ngayon! Kinumpirma na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtaas ng minimum wage sa National Capital Region (NCR) sa darating na October.

Nalaman ng KAMI na posibleng umabot ng P20 ang dagdag sa magiging sahod ng mga taga-NCR.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, “At least P20 ho, at least. It could be more, but at least P20,” base sa report ng GMA News. Kasalukuyan namang nasa P512 ang minimum wage sa Metro Manila.

Ngunit ayon naman sa Federation of Free Workers na maliit ang increase na ito dahil sa taas ng bilihin ngayon. Lalo na ngayong umabot na ng 6.4% ang inflation rate sa Pinas at marami ang naapektuhan ni Bagyong Ompong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Mababa 'yung para sa mga manggagawa at kulang sa pagtaas rin ng inflation na kinakain 'yung value ng peso,” sabi ni Sonny Matula, ang presidente ng labor group.

Sabi naman ni Nice Coronacion ng Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, “Sa amin, kaysa wala, mabuti nang meron.”

Pero ayon naman sa Employers Confederation of the Philippones (ECOP), huwag raw masyadong taasan ang dagdag sa minimum wage dahil, “Kapag masyadong excessive 'yung pagtaas ng minimum wages, some employers may resort to laying off their workers and passing on the additional cost of operations to the prices of goods and services.

Naiulat ng KAMI noon ang pagtaas ng bilihin sa buong bansa dahil pumatak ng 6.4% ang inflation rate. Ito na ang pinakamataas na naitala sa loob ng halos 10 years.

Sa ngayon ay hihilingin namin ang mga estranghero sa Pilipinas ng ilang mga nakakatawa na mga tanong na nakakalito sa Tagalog! Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mystica, tutong nalang daw kinakain dahil umano kay Raffy Tulfo

Mystica, tutong nalang daw kinakain dahil umano kay Raffy Tulfo

Mystica, tutong nalang daw kinakain dahil umano kay Raffy Tulfo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel