PET, ginawang 25-percent ang shading threshold ni VP Robredo noong halalan 2016

PET, ginawang 25-percent ang shading threshold ni VP Robredo noong halalan 2016

- Ginawa na ng PET na 25% ang shading threshold sa pagrecount ng boto nina Vice President Leni Robredo at former Senator Bongbong Marcos

- Ayon naman kay Robredo ay isa itong “victory”

- Dagdag niya pa na sana tuloy tuloy na ang good news para maka-move on na ang lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos magrequest para bilangin muli ang boto ng taumbayan kina Vice President Leni Robredo at former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos noong 2016 elections ay nanatiling 25% ang shading threshold ni Robredo ayon sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Nalaman ng KAMI na cinalibrate ng Commission on Elections (COMELEC) ang vote counting machine na hanggang 25% dapat ang pag-shade sa mga blank ovals sa ballots.

Ayon kay Robredo ay inabisuhan siya ng Supreme Court bilang PET at sinabing hindi na nila ginawang 50% shading threshold sa pag-recount nila ng mga boto. Noong 2010 elections kasi ay ginawang 50% ng Comelec ang PCOS machines upang mapabilis ang pila sa botohan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PET, ginawang 25-percent ang shading threshold ni VP Leni Robredo sa nakaraang eleksyon

Leni Robredo Photo from Juan Republic
Source: Facebook

Isa namang “victory” ito diumano para sa kampo ni Robredo. Sabi niya pa, “parang lahat nakahinga na.”

“Parang lahat na lang bad news for us sa nakaraang dalawang taon. Parang ito ang good news.

“Sana tuloy-tuloy na, sana mapabilis na para maka-move on na talaga tayo,” dagdag pa ng bise presidente.

Noong nakaraang eleksyon ay natalo si Marcos kay Robredo ng 263, 473 votes. Ito na ang pinakamalapit na naging laban sa Pilipinas sa pagkakataon ngayon. Sinabi naman ni Marcos na may anomalya raw sa pagbilang ng boto kaya nag-request ito ng recount.

POPULAR: Read more news about Vice President Leni Robredo here!

Sa ngayon ay hihilingin namin ang mga estranghero sa Pilipinas ng ilang mga nakakatawa na mga tanong na nakakalito sa Tagalog! Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking putol ang kaliwang hita, pinagpatuloy pa rin ang pagiging atleta

Lalaking putol ang kaliwang hita, pinagpatuloy pa rin ang pagiging atleta

Lalaking putol ang kaliwang hita, pinagpatuloy pa rin ang pagiging atleta
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel