NBA player Anthony Davis, sinagot ang mga issue sa paglipat niya ng sports agency

NBA player Anthony Davis, sinagot ang mga issue sa paglipat niya ng sports agency

- Sa isang presscon, sinagot na ng NBA player na si Anthony Davis ang mga spekulasyon sa kanyang paglipat ng agency

- Sinabi rin niya na hindi siya lilipat ng team at mananatili siya sa New Orleans Pelicans

- Kasama naman niya sa bagong agency ang NBA superstar na si Lebron James

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Balita ngayon ang paglipat ng NBA All-Star player ng New Orleans Pelicans na si Anthony Davis sa Klutch Sports Group, ang sports agency rin ng NBA superstar at member na ng Los Angeles Lakers ngayon na si Lebron James.

Ang career move niyang ito ay umani ng mga spekulasyong posible rin siyang lumipat sa Lakers katulad ni Lebron. Pero, nalaman ng KAMI sa ESPN na hindi naman lilipat si Davis sa ibang team.

Noong media day ng New Orleans, sabi ni Davis ay kinailangan na niyang lumipat ng agent. Aniya, “It was just for where I am right now in my career, what I'm trying to do. I thought the change was necessary.”

At sinagot naman ni Davis ang mga issue na kung lilipat ba siya siya ng ibang team para sa darating na NBA season. Sabi niya, “I'm here,”

“I want to focus on winning this year with the squad that we have. We have a good squad,” dagdag pa ng NBA player.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod kay Lebron James, makakasama rin ni Davis sa Klutch Sports sina Kentavious Caldwell-Pope ng Cavaliers, John Wall ng Wizards, at ang Rookie of the Year na si Ben Simmons.

Si Davis ay isang 25-year old NBA player na nagsimulang maglaro sa New Orleans Pelicans simula noong 2012 hanggang ngayon. Siya ang Rookie of the Year noong NBA season ’12-’13. Naging record holder din siya noong NBA season ’16-’17 dahil sa kanyang statistics na 50-point, 15-rebound at 5-steal na performance. Ito ang second highest noon matapos ang 54 points ni Michael Jordan noong 1989. Kaya naman hinirang bilang NBA-All Star Game Most Valuable Player (MVP) si Davis noong 2017.

Sa ngayon ay hihilingin namin ang mga estranghero sa Pilipinas ng ilang mga nakakatawa na mga tanong na nakakalito sa Tagalog! Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup

Mika dela Cruz nagsalita na tungkol sa pagkadawit sa Nash Aguas-Alexa Ilacad breakup
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel