Game na game na! Meralco Bolts, inilabas na ang line-up para sa FIBA Asia Champions Cup

Game na game na! Meralco Bolts, inilabas na ang line-up para sa FIBA Asia Champions Cup

- Naghahanda na ang Meralco Bolts para sa FIBA Asia Champions Cup

- Makakaharap nila ang Thailand sa September 27, 2018

- Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sure kung makakapaglaro sina Chris Newsome at Cliff Hodge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo na ng Meralco Bolts ang kanilang 18-man roster na lalaban sa darating na Huwebes, September 27, 2018. Ang Meralco Bolts ang napili upang irepresenta ang Pilipinas sa FIBA Asia Champions Cup at makakalaban nila ang Thailand sa Nonthuburi.

Nalaman ng KAMI na ito ang mga maglalaro para sa Pilipinas base sa site ng FIBA:

  • Baser Amer
  • Simon Atkins
  • Jason Ballesteros
  • Ken Bono
  • Nino Canaleta
  • Anjo Caram
  • Allen Durham (import)
  • Bryan Faundo
  • Cliff Hodge
  • Reynel Hugnatan
  • Jammer Jamito
  • Garvo Lanete
  • Liam McMorrow (import)
  • Chris Newsome
  • Nico Salva
  • Joseph Sedurifa
  • Diamond Stone (import)
  • Mike Tolomia

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hanggang sa ngayon ay inaayos pa rin ang kaso nina Chris Newsome at Cliff Hodge base sa report ng Spin.ph. Kahit na may Philippine passport na sila, kailangan pa rin nila magsubmit ng mga papeles para maglaro bilang locals ayon sa rules ng FIBA.

Sabi naman ng team manager ng Bolts na si Paolo Trillo ay, “We're still appealing Newsome and Hodge's case.”

Lumipad na papuntang Thailand ang bolts noong Tuesday. Matapos ang laban nila ng Thailand ay makakaharap naman nila ang Alvark ng Japan sa September 29, 2018.

Abangan ang laban nila rito:

POPULAR: Read more news about Meralco Bolts here!

Sa ngayon ay hihilingin namin ang mga estranghero sa Pilipinas ng ilang mga nakakatawa na mga tanong na nakakalito sa Tagalog! Ang mga tanong na ito ay maaaring madaling tunog, ngunit sa katotohanan, ang mga ito ay medyo nakakalito at madaling gumawa ng isang pagkakamali! – on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’

Duterte announces March 22 as ‘Emilio Aguinaldo Day’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel