Sen. Trillanes, inaasahan pa daw ang mas marami pang panggigipit sa kanya

Sen. Trillanes, inaasahan pa daw ang mas marami pang panggigipit sa kanya

-Inaasahan pa daw ni Sen. Antonio Trillanes IV ang mas marami pang panggigipit sa kanya

-Ito'y matapos ma-grant ni Judge Elmo Alameda of the Makati Regional Trial Court's Branch 150 ang mosyon ng DOJ para isyuhan ng warrant of arrest at hold departure order ang Senador

-Kanina, napaulat na lumabas nagpunta na ang Senador sa Makati Trial Court upang magfile ng piyansa na halagang P200,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaasahan pa raw ni Senator Antonio Trillanes IV na mas marami pang harassments ang darating sa kanya, ayon sa ulat ng GMA News.

“Definitely not (free to go home). Nakita n’yo naman ‘pag medyo magkumpiyansa ka nang konti ay bibira at bibira sila. We expect other forms of harassments in the days to come and unless and until this issue has been formally settled then ‘yun na ‘yun,” ito ang naging pahayag ng Senador pagkabalik niya sa Senado kanina.

Nang matanong ng media kung anong klaseng harassments ba ang sinasabi nito.

“I expect legal harassments, court cases,” sagot nito.

Ayon pa sa Senador, nakakadismaya na pinagbigyan daw ng hudikatura ang panggigipit ng administrayong Duterte.

“For now, talagang nakakadismaya na itong ating hudikatura ay tumiklop sa pressure nitong diktador na si (President Rodrigo) Duterte,”

Nitong araw din, nauna ng naibalita ng KAMI na nagpunta na nga ang Senador sa Makati Regional Trial Court Branch 150 matapos ma-grant ang hinaing mosyon ng Department of Justice na magi-issue ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Sen. Trillanes.

Sa ngayon, umaasa na lamang daw na magkakaroon ng himala sa Makati RTC Branch 148 na siyang humahawak sa kaso ng coup d’etat na isinampa sa kanya noong 2003 at ito ay non-bailable.

“As it is milagro na lang ang hinihintay natin from Branch 148. Kumbaga slightly more hopeful but we have to expect for the worse,”

Ayon pa sa Senador, pinaguusapan na umano niya at ng kanyang legal councel ang mga hakbang na maaari nilang gawin lalo pa may mga nilalabag na ang administrasyon para lamang mahuli siya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Itong nangyari is a debacle or defeat of democracy. Maliwanag ‘yung ating rule of law na merong mga prosesong hindi na dapat nababali kagaya ng pagbigay ng amnestiya, pag-dismiss ng mga kaso pero sa gigil ni Duterte sa akin e walang batas batas sa kanya,”

“Isasagawa niya yung kanyang kagustuhan at ang gusto niya ay ‘yun ang matutupad. So maliwanag ‘yan sa ating mga kababayan sabi ko nga ang kapalaran ng ating demokrasya ay ultimately nasa kamay ng ating mga kababayan,”

Ayon pa dito, tanging dasal na lamang daw ang kanyang panlaban sa kaaway na demonyo.

“Sa ganitong bakbakan, we have to expect the worse. Kalaban ko ay demonyo so ang panlaban ko ay panalangin. My confidence comes from the fact na ang kasamaan ay hindi nananaig…Baluktutin mo ang lahat, isagasa mo na pero yung kasamaan ay hindi mananaig,”

Nasa ikatlong linggo na ng pananatili sa Senado si Sen. Trillanes, ito'y dahil sa pagbawi ng Pangulong Duterte sa amnestiya nito.

POPULAR: Read more news about Sen. Antonio Trillanes here!

Philippines social experiment: can you answer these tricky questions? Today we are going to ask Pinoy strangers some very funny Tagalog tricky questions! Do you think you can answer them correctly? Check it out – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!

Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!

Welcome dinner nina Iza Calzado at Ben Wintle, isang malaking piyesta!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel